DILI makatoo si Coco Martin sa dako nga gikita sa pelikulang Super Parental Guardians sa opening day niini.
Bisan og wala kini lakip sa Magic 8 sa MMFF 2016 official entries, gisuportahan kini sa mga manan-away diin sila ang bida kauban ang higalang si Vice Ganda.
Sa interview sa PEP.ph, “Actually, di nga ako makapaniwala. Paggising ko kaninang umaga, sobrang pagod na pagod ako, kasi lumalagare ako sa taping, at the same time, pagpu-promote para sa pelikula. Hayun nga, paggising ko kaninang umaga, nakita ko nga na 75 million ang kinita kahapon nung pelikula. Sobrang nakakatuwa at nakakataba ng puso. Hindi yung kita. Para sa akin hindi na yung pera, e. Parang mas maganda na nakapagapasaya ka ng ganung karaming tao.
“Yun ang pakiramdam na sobrang worth it yung pinaghirapan namin.
“Sabi ko nga, kahit sinegue ko yung pagte-taping saka yung paggawa ng pelikula, talagang nagbunga siya sa pagtutulungan namin ni Vice, ni Direk Joyce, sa galing ng dalawang bata, at sa lahat ng bumubuo ng pelikula, at sa suportang binigay sa amin ng Star Cinema.
“Kaya sobra talaga akong nagpapasalamat sa lahat ng mga tao na nanood, sumuporta. Sana po panoorin ninyo dahil sigurado ako na talagang tatawa kayo nang sobra-sobra at makakalimutan ninyo ang inyong mga problema. Di ko ine-expect na ganito kalaki, pero ine-expect ko na magugustuhan nila. Sabi ko, kung tinangkilik nila last year ang Beauty and the Bestie, alam ko kasi na talagang mas maganda ito, talagang pinag-aralan naming mabuti.
“Dinoble namin yung action, yung comedy, tapos may dalawang bata na bonus, talagang pinag-aralan namin. Saka siyempre, iba rin ang binigay ni Direk Joyce.
“Siguradong-sigurado ako, sabi ko nga, kahit makapasok siya sa Metro Manila Filmfest or hindi, alam ko na magugustuhan ito ng mga manonood,” butyag ni Coco Martin. (SVB)