SA wala pa siya moapil sa Pinoy Big Brother, si Marco Gallo usa ra ka ordinaryo nga estudyante sa Milan, Italy. Apan karon, usa siya sa pinakakontrobersyal nga housemate ni Kuya. Kauban ang iyang Nanay Annie nga taga-Batangas, si Marco ang espesyal nga bisita ni Ms. Rosemarie Gaisano sa A Million Thanks First Raffle Draw sa Gaisano Main ug Country Mall niadtong Pasko. Si Marco bag-o lang nagselebrar sa ika-16 nga kasumaran gahapon, Enero 3. Marco Gallo, Ssssuper Ka!

How was PBB changed your life?

Ang laking pinagbago. Kasi dati normal buhay lang sa Italy na nag-aaral, every weekend with friends, then pagkatapos sa school balik sa bahay. But after PBB may nagpapa-picture na at mga TV guestings na. Nakakatuwa.

Saan ka nag-audition ng PBB?

Sa Italy. Mga month of June nung patapos na yung schoolyear. I was taking up Language course when I was told na nakapasok ako sa PBB.

Sinong nag-udyok sa `yo na mag-audition?

Katuwaan lang kasi nakikita namin sa TV. Yung nanay ko okay pero si tatay noong una ayaw kasi sa Italy ang Big Brother paglabas mo parang wala na. Unlike dito sa Pilipinas paglabas mo talagang may career ka.

Nakapunta ka na dati dito sa Pilipinas?

Opo, noong bata pa ako, mga 2009. Pero four days lang kasi biglaan lang. Yung father ko nakapunta na rin sa Pilipinas noong nagpakasal sila ni nanay. Yun lang pagkatapos hindi na po nakabalik.

Kung ipinanganak at lumaki ka sa Italy, bakit ang galing mong mag-Tagalog?

Kasi sa bahay, bata pa lang ako sinasanay na akong kausapin ni nanay ng Tagalog.

Ilang kayong magkakapatid?

Ako lang mag-isa. Kasi noong pinanganak si nanay muntik na siyang mamatay. Kaya hindi na pinasundan ni Tatay. Tumaas kasi yung blood pressure n’ya, tumirik yung mata tapos tumabingi yung mukha at nag-half stroke. Pero hindi na obvious ngayon kasi continuous yung pagte-therapy n’ya. (Matod sa iyang nanay nga unconscious siya sud sa duha ka adlaw maong napugos siya sa pagpanganak via caesarian bisan kon walo pa lang ka buwan si Marco sa iyang sabakan. Si Marco gisud sa incubator og 15 ngadto 20 ka adlaw).

Sa PBB di ba kayo ni Kisses ang mas close pero bakit parang na-TOA (transfer of affection) ka?

Actually, yun yung nakita ng tao. Close pa naman kami ni Kisses pero di ko lang na-gets bakit sinabi n’ya yun. Kung bakit na parang sa akala n’ya lumayo ako sa kanya. Akala namin over-sensitive lang siya, nalaman ko na lang may gusto siya sa akin kaya naintindihan ko kung bakit nasasaktan siya kung kasama ko yung ibang housemate.

Kailan mo nalaman na attracted si Kisses sa `yo?

Paglabas ko sa PBB house. Siyempre po, flattered, speechless. Kasi I didn’t expect it.

Kasi ang akala namin si Edward ang gusto niya.

Nagka-girlfriend ka na ba?

Once pa lang po. Filipina rin sa Italy. Pero nalaman ko ngayon naging tomboy siya. Kaya nga wala akong experience e kaya hindi ko nahalata si Kisses.

Parang mas gusto mo yung isang housemate, si Vivoree?

Ngayon hindi na po kasi busy, e. We also realized na iba yung feelings pag nasa loob at iba pag nasa labas na. Kaya friends na lang talaga muna. Kasi pag nasa loob ka parang wala ng ibang tao sa mundo kaya magkakagusto ka talaga.

Kaya mo nagustohan si Vivoree?

Opo, nagka-crush ako sa kanya. Hindi naman po sa hitsura pero yung personality niya maganda. Pero ngayon gusto ko wala nang problema kasi mas focus kami sa career. With the seven of us (PBB housemates), sila na nga lang yung kakilala ko dito sa Pilipinas tapos sila pang aawayin mo?

Nag-usap na kayo ni Kisses?

Opo, we preferred to be friends. Kasi kahit yung mga bossing sa PBB yan din ang sabi mai-in love ka talaga pag nasa loob ka sa bahay. Parang joke ni Kuya.

Nag-usap na rin kayo ni Vivoree?

Opo and she agreed that we just remain as friends. Kasi mahirap pagsabayin ang bawat bagay. Nawala din yung feelings n’ya, nawala din yung feelings ko.

Kayo ni Christian grabe yung sagutan n’yo sa loob?

Opo, kasi iba yung kultura at kinalakihan namin. Siya yung tao na tahimik lang. Ako naman pinipilit ko siyang pag-usapan ang problema kaya siguro nainis siya sa akin kaya nagkasagutan kami. Pero paglabas sa bahay nakita ko ang kanyang magandang kalooban kasi nandyan siya palagi pag may kailangan ako.

Given the chance, sino nina Kisses at Vivoree ang gusto mong maka-love team?

Sa ngayon, pag sumagot ako baka may magalit e. Pero ano po, iniisip ko na lang if I have to work with someone, kung kanino ako mas close, kung kanino ako masaya… Siguro si Kisses kasi dati naman kaming mas close… Kasi ayokong magkaproblema habang nagtatrabaho e, gusto ko laging naka-smile lang.