SA NAGING pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan sa mga tinaguriang “narco mayors” na kung saan kanyang umano’y papatay marami sa kanila ang nangamba.

Ipinahayag ni Duterte ang “to kill local chief executives na sangkot sa illegal drugs sa isang pagpupulong ginanap sa Malacanang kamakailan.

Maraming mga alkalde mula sa Visayas, Mindanao at Automous sa Mindanao.

Ang unang grupong pinulong ni Pangulo ang mga alkalde mula sa Central Luzon.

Sa pagpupulong nabanggit ni Duterte ang “shoot-to-kill” laban sa mga alkalde sangkot sa illegal drug trade.

Ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines ang magsasagawa umano ng “order” ni Pangulo.

Kaya naman sa matinding at hindi biro-birong pahayag ni Duterte, maraming alkalde ang nangangamba sa kanilang buhay sa ngayon.

Matatandaan sa unang listahan ni Pangulong Duterte sa mga alkalde sangkot sa illegal drug trade, halos nag-react ang mga ito at iyong iba nagsipunta pa sa PNP Headquarters sa Camp Crame upang linisin ang kanilang pangalan.

Dito sa Central Luzon, dalawa ang nabanggit ni Duterte at isa naman sa Pangasinan. Nguni’t iyon sa Pangasinan ay kanyang binawi.

Sa nakakatakot na pahayag ni Pangulo, nagbigay ng reaksyon ang Commission on Human Rights na kung saan dapat umayon sa batas ang administrasyon.

Sinabi pa ng CHR na dapat kasuhan na lamang muna ang mga tinaguriang Narco Mayors at maging iyong iba pang sangkot sa illegal drug trade.

Sang-ayon nga sa CHR ang mga alkalde ay inosente hangga’t di sila mapapatunayan sangkot ang mga ito sa illegal drug trade.

Sino-sino kayang mga alkalde ang natatakot sa ipinahayag ni Pangulong Duterte?

Nagtatanong lang po...