SA unang higayon nihatag og detalye ang rumored-sweethearts nga si Julie Anne San Jose ug Benjamin Alves sa ilang relasyon dihang nahinabi sila sa mga sakup sa entertainment press sa Sugbo atol sa kapistahan sa Sinulog ug sa promo tour sa ilang upcoming TV adaptation sa classic film “Pinulot Ka Lang Sa Lupa” nga mag-premiere sa Enero 30 sa Afternoon Prime sa Kapuso Network. Ang Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose mismo niangkon nga mag-one year pa lang sila. Basaha ang ilang kilig moments. Julie Anne ug Benjamin, Ssssuper Ka!

Anong role n’yo sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa?

JULIE: Gagawin ko po dito yung role ni Lorna Tolentino, bilang si Santina. Si Santina po marami kaming similarities e, ma-prinsipyo, mahal n’ya yung pamilya n’ya, galing siya sa hirap, nangungulila at magaling siyang magluto.

BEN: I play the role of Efrain, which is originally played by Gabby Concepcion. But unlike tito Gabby’s role that is mayaman and very polished, sa akin ginawa nilang mas simple, palaging naka-tshirt. Anak mayaman din ako kasi yumaman yung mom ko pero hindi ko kinalimutan yung pinanggalingan ko na mahirap.

Did you audition for this?

BEN: Pinili po kami kasi our director, si Ms. Gina Alajar is very familiar with the original material at alam po n’ya kung sinong bagay na gumanap at anong kailangang mga eksena, like yung sampalan nina Julie Anne at LJ Reyes, kailangan i-honor para sa mga nakapanood sa original material.

JULIE: Mataas po ang proseso sa pagpili kasi madami po talagang pinakikinggan. So, we’re very honored and blessed na napunta sa amin itong soap na ito.

Kumusta yung sampalan ninyo ni LJ?

JULIE: Masakit po… Siguro kailangan rin naming ipalabas na mukha talaga siyang totoo. Pero ok naman kami ni LJ, wala namang personalan yun. Actually, yung pagkasampal n’ya sa akin bumakat yung kamay ni LJ.

BEN: Nag-workshop po talaga kami sa sampalan nilang dalawa. Kami naman ni Martin del Rosario nag-workshop sa suntukan. Usually, take 1. Kasi pag nagti-take 2 para sa camera angles na lang yun.

May relasyon rin ba kayo dito?

BEN ug JULIE: Oo. (laughs)

Wala bang awkward moment being a couple in real life?

BEN: In real life? (giggles).. I think, ahh… before the show started I admit it that we have already grown significantly. Kasi lagi kaming magkasama, everyday. Kung dati naghahanap kami ng time kung kailan kami puwedeng magkita, ngayon lagi na kaming nagkikita sa taping, promotions, so masaya. Our relationship is getting deeper… What can you say?

JULIE: Ba’t mo pinasa sa akin hindi ka pa tapos sumagot? (laughs) Yun na po yung sinabi n’ya. Happy naman po kaming dalawa, we just enjoy each other’s company.

BEN: I’m just very glad na… this is the first time for me that I have a deep relationship with my loveteam even before the show was given to us.

What’s the sweetest thing that you did for each other?

BEN: Pinagluto n’ya ako ng omelet. Nag-taping kasi ako for five days straight. Dinalhan n’ya ako ng omelet sa set.

JULIE: Sa bahay ko niluto kasi malapit lang ako sa location, so yun.

BEN: Kung minsan dinadalhan ko rin siya ng pagkain kasi si Julie medyo mahina yung tiyan. Kaya kung yung pagkain sa set allergic siya naghahanap talaga ako ng pagkain.

Anong monthsary n’yo?

BEN: Ilang monthsary na ba? Pero that doesn’t mean na… Ano ba yung date? 19?

JULIE: Yes, 19.

Nakailang monthsary na kayo?

BEN: Ano na ba? Wala e, basta… it was the first time we talked and we celebrated this.

JULIE: It actually started after kasi noong concert ko last May and after my graduation. Yun po ang simula noong nag-visit siya sa bahay, pinakilala ko siya sa parents ko, sa family ko. Ok naman.

BEN: Nag-graduate siya sa college, puwede na. Joke.

Anong nagustuhan n’yo sa isa’t isa?

JULIE: What I like about Ben kasi he is very close to his family, God-fearing, gentleman, very understanding at totoo siyang tao.

BEN: Kasi ang galing n’yang kumanta. Matagal ko nang kilala si Julie pero di pa kami nag-uusap, tapos noong nag-usap kami doon ako mas lalong humanga sa kanya because of the same qualities: malapit siya sa pamilya n’ya, she’s the eldest with two young sisters and the sacrifices she did for her family. Malaking bagay sa akin yun kasi wala akong pamilya dito nasa Guam.

Anong plano ninyo sa Valentine’s day?

BEN: It’s Tuesday yata.. I think we will still be taping on Valentines. But for sure… may ka-date ka bang iba?

JULIE: Wala naman akong dini-date na iba… pamilya ko lang. (laughs)