NITONG nakaraang linggo, matatandaang tatlong hepe ng Central Luzon ang ni-relieve dahil sa SOP-Lambat-Sibat.

Ang mga na-relieve na mga hepe ay sina Superintendent Rechie Duldulao ng City of San Fernando police, Superintendent Marcos Rivero ng Marilao, Bulacan at Senior Inspector Marlo Dangarang ng Abucay, Bataan.

Si Duldulao ay pinalitan ni Superintendent Jean Fajardo. Si Fajardo ay hepe dati ng Lubao Police Station. Wala pa siyang isang taon bilang hepe ng Lubao.

Ang pumalit sa kanya sa Lubao ay si Superintendent Liza Lingayo.

Sa tagal ng Dateline sa nagkokober sa Police Regional Office-3 (PRO3), karamihan sa mga nagiging hepe ng City of San Fernando Police ay pawang mga lalaki.

Nguni’t nitong taon lang ito na dalawang policewoman ang naging hepe ng City of San Fernando.

Maging sa Lubao Police, dalawa na rin policewoman ang naging hepe ng naturang bayan.

Ang isa pang hepe na babae ay si Superintendent Jhoanna Ponseca-Rosales, hepe ng Flordiblanca.

Kaya ba ng mga babae na maging hepe ng isang police station? Nagtatanong lang po.

Kasi iba pa rin daw kung lalaki ang hepe, sang-ayon sa police officer sa inyong lingkod.

Kaya naman ng mga babaeng hepe na maging hepe? Nagtatanong lang po sila.

Ang dami naman daw lalaki maaaring maging hepe ng City of San Fernando police at kung bakit daw babae pa ang napili ni Mayor Edwin Santiago? Nagtatanong lang po sila.

At ang tanong ng mga police officer kung bakit puro galing ng Lubao police ang nagiging hepe ng City of San Fernando… Ito’y malaking katanungan ng nakausap ng mga police officer ng Dateline.

Pampanga LTO licensing puno ng mga fixer?

Sa pag-upo ng bagong chief ng Pampanga LTO licensing, parang kabute ang mga “fixer” nagsulputan.

Ito ang na-obserbahan ng Intelligence Officer ng Dateline na kung saan madaling araw pa lamang nandoon na sa Pampanga LTO ang mga “fixer.”

Sundan sa susunod na kolum ang Pampanga LTO fixer naglipana parang kabute.