GALIT na galit si Chief PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa nang dumating sa Camp Tomas Pepito sa Angeles City police nang harapin nitong ang pitong pulis sangkot sa pagdukot sa tatlong Koreano noong Disyembre 30, sa Plaza Subdivision sa Angeles City.

Pagdating nito at pagbaba ni Bato sa kanyang sasakyan kaagad nitong hinarap ang pitong pulis at katakot takot na mura ang inabot ng mga ito.

Isa sa kanila ang tinanong kung bakit ginawa nila iyon, ang sabi nito ay isang legitimate na operation at dinahilan nila ay isang on-line gambling umano.

Ang sabi naman ni Chief PNP paano naging legitimate operation ang kanilang ginawa ay binugbog nila ang mga Koreano.

Sa galit ni Dela Rosa, pina push-ups position niya ang pitong pulis na ilang minuto din itinagal. Ang ilan sa kanila ay nangawit at sinabihan pa ni Chief PNP kulang pa nga iyan sa ginawa ninyo sa mga Koreano.

Sinabihan pa nito, na ikinahihiya nito ang pitong pulis dahil sinira ng mga ito ang imahen ng PNP.

Pagkatapos sabihan ni Chief PNP ang pitong pulis, ang lahat ng mga police officer ang kanyang hinarap at sinabihan na “do your job” at gumagawa kayo ng paraan upang makabawi tayo sa mga ginawa ng pitong pulis.

Ang pitong pulis na pawang nakatalaga sa Police Station 5 ng Angeles City ay sinampahan ng kaukulan kaso kabilang na rin ang administrative case.

Ang mga ito ay na-transfer na sa PNP National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Sa pagbisita ni Chief PNP, ni-relieved din si OIC Senior Superintendent Jose Hidalgo na isang linggo pa lamang sa kanyang puwesto.

Si Senior Superintendent Patrick Villacorte ang pumalit sa puwesto ni Hidalgo.

Maraming nagulat sa pagka-relieve kay Hidalgo na hindi malaman ang dahilan nang pagka-relieved nito.

Ang push-ups position ay naging kontorbersyal na kung saan umani ng maraming reaksyon....

Noong nakaraang linggo. 14 apat na Chief Inspectors ang na promote ng Superintendents.

Kabilang sa mga na-promote ay sina Superintendent Nestor Chavez nakatalaga sa Regional Police Community Relations Office at si Superintendent Karen Clark, nakatalaga sa Comptrollership Plans and Division.

Binabati ng Dateline sina Chavez at Clark sa kanilang pagka-promote…