SI Rhiza Ann Cenon Simbulan (born December 21, 1987) nadiskubre dihang nidaug siya nga Ultimate Female Survivor sa second season sa StarStruck sa GMA Network. Nigawas siya sa mga show sa Kapuso, sama sa Darna, Ay, Robot!, Majika, ug Fantastic Man. Apan mas naila siya karon isip ang makalagot nga kontrabidang kabit nga si “Georgia” sa Afternoon prime TV series, “Ika-6 na Utos.” Ato siyang mas ilailahon sa mosunod natong Q and A. Ryza Cenon, Ssssuper Ka!

May mga lumabas noon na you went through depression dahil walang masyadong offers? Was “Ika-6 na Utos” GMA’s reaction to that?

I don’t think so kasi nagkaroon na ako ng indie film na “Manananggal” at nag-guest na rin ako sa “Alyas Robinhood.” In fact, I really auditioned for the role of Georgia in “Ika-6 na Utos.” I remember, ayoko pang pumunta sa audition kasi ayoko siyang gawin, kasi alam kong mahirap siyang gawin. Kinausap ako ng handler ko at sabi “pumunta ka lang at magpa-audition.” Kaya hindi ko inexpect na ako ang makukuha.

Bakit mo nasabing mahirap?

Mahirap siya kasi masyado siyang malalim, masyado siyang critical na estorya. Alam ko mataas yung expectation ng mga tao doon, lalo na kasama mo Gabby Concepcion at Sunshine Dizon, parang nakaka-pressure masyado.

Marami bang namba-bash sa `yo dahil sa character mo?

Actually, ang mga viewers ngayon matatalino na sila e, hindi na sila kagaya noon na sobrang apektado at aawayin nila yung artista. Kung nasa ibang lugar kami ang tawag lang sa akin, “Ma’am Georgia, nanonood kami puwedeng pa-picture.” Ganoon lang. May isang beses lang na “ayaw ka daw piktyuran ng anak ko dahil galit siya sa `yo dahil bad ka.” Ganoon lang naman.

Anong ginawa n’yo ni Gabby para maging comfortable kayo sa intimate scenes?

Nag-uusap kami everyday, malaki rin tulong yung direktor namin, si Laurice Guillen, na everytime may intimate scene kami, sabi niya: “mag-usap muna kayo, wag mo siyang tawaging Kuya, wag kang mag-po po, blah, blah, blah…”

So, Gabby na lang?

Hindi, Kuya Gabby pa rin, hindi ako sanay, feeling ko bastos ako pag hindi ako nagku-kuya or nagpo-po.

Do you think ito yung pinaka-daring mo?

Sa TV, yes. Pero sa movie, yung “Manananggal.” 2016 was a good year for me at sana magtuloy-tuloy na nga.

Yung mga kissing scene n’yo ni Gabby take one lang?

Opo, take one lang. Hindi namin pinag-uusapan e, pag sinabi ni Direk, “action,” in character na kami.

Naiinis ka rin sa character mo bilang Georgia?

Oo naman, sobrang bad niya. Lalo na yung kikilalanin mo pa yung asawa tapos yon pala may masama ka lang balak, mag-e-stalk ka lang pala.

Kumusta kayo ni Sunshine Dizon in real life?

Okay naman kami. Mabait si Ate, nagbibigay siya ng advice kapag kunyari may mali ako, sinasabihan n’ya ako, gina-guide nya ako. Lahat naman sila nagga-guide sa akin.

Anong advice mo sa mga may pinagdadaanan din ngayong depression?

No. 1 is kausapin mo muna si God. Yun yung ginawa ko. Everyday ko siyang kinakausap. And then hanap ka rin ng mga kabigan mo na sa tingin mo nandyan for you to listen lang sa lahat ng mga problema mo para may paglabasan ka lang. Pangatlo, hanap ka ng ibang outlet na puwede mo siyang paglabasan.

Was it painting for you?

Yes, doon ko nga lang na-discover na marunong pala akong mag-painting. Nakaka-tatlong painting ako sa isang araw noon. Ganoon lang naman, God, friends, family and yourself.

So, yung depression mo dahil ba sa wala kang project?

Not only that… hindi lang naman sa projects… sa personal life may mga problema rin. Nagkasunod-sunod na lang. Hanggang sa dumating sa point na nakakulong na lang sa kwarto, hindi naliligo, hindi kumakain. Ganoon yung nangyari sa akin.

Saan pala yung family mo?

Japan. Sa Japan sila naka-based kaya nag-iisa lang ako sa bahay. Hindi alam ng family ko yung pinagdadaanan ko, hindi ko kasi sinasabi, ayoko rin maging pabigat, ayoko rin makadagdag sa problema.

Ilang weeks or months ka hindi lumalabas noon sa kwarto?

Mga months din. Tapos lagi na lang puyat or lagi na lang maga ang mata kasi iyak ng iyak. Andoon na ako sa point na pumapasok na sa utak mo na gusto mo nang mawala basta na di nila alam.

Totoo ba yung naglaslas ka raw?

No, hindi ko ginawa yun. Ang ginawa ko yung sa sapatos yung mga bilog, yung bawal kainin. Inipon ko lahat yun tapos nilagay ko lahat sa hot water para mabilis matunaw. Before ko ininom nag-ayos muna ako, para pag namatay ako maganda ako. Pero bata pa ako noon, teenager pa lang. Inayos kong damit ko, humiga ako. Tapos hinintay ko yung effect.

Anong nangyari?

Wala. Nakatulog lang ako. Tapos gumising ako ng wala lang. Walang nangyari. (laughs)

Wala pang Cholo Barretto sa buhay mo noon?

Recent lang si Cholo e, last year lang. Mag-fo-four months pa lang kami. Sobrang happy at blessed kasi sobrang warm ng welcome ng Barretto family sa akin kahit first pa lang nila akong nakilala. Sobrang maasikaso sila.

What’s the hardest part of playing the role of Georgia?

Lahat. Being Georgia is hard. Sobrang hirap kasi ang layo niya sa personality ko, the way siya manamit, magsalita… as in iniwan ko ang sarili ko para sa kanya.

Kailan matatapos ang Ika-6 na Utos?

I think April… pero sana ma-extend pa.