DAHIL nahinto pinahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Oplan Tokhang, ang PNP ngayon ay nakatuon sa pag-aresto ng mga wanted persons.

Kaya naman ang Pampanga Police Provincial Office (PPPO) sa pamumuno ni Senior Superintendent Joel Consulta, pinag-ibayo nila ang kampanya laban sa mga criminal.

Ito’y bilang bahagi ng Oplan Lambat Sibat na kung saan noong pang dalawang taon ito inilunsad ng PNP nguni’t nang maupo si Duterte iba ang pinagtuunan.

Dahil ang iniutos ni Duterte ay ang malawakang kampanya laban sa illegal drugs. At simula ng Hulyo hanggang Enero maraming napatay na mga drug pusher/user sa iba’t ibang dako ng Pilipinas.

Halos umabot sa 1,000 ang mga drug suspek ang napatay ng PNP nang simulan ito ang drug war.

At dahil pinahinto ni Pangulo Duterte ang Oplan Tokwang kasunod ng kidnapped/slaying ni Jee Ick-Joo.

Kaya naman sinimulan ng Pampanga Police ang kampanya laban sa mga wanted person.

Noong Lunes, isang wanted person na rapist ang inaresto ng Mexico Police sa kanyang tahanan sa Barangay Sta. Cruz. Ang rapist na hinuli ay nakilalang si Jonas Colis.

Sa bias ng alias warrant of arrest for rape na inisyu ni Judge Robert Alexander Malig, Presiding judge ng RTC branch 45, City of San Fernando sinalakay ng mga operatiba ang bahay ng suspek. Kusa naman sumuko sa mga operatiba ang suspek.

Sang-ayon kay Consulta si Jonas ay number 2 sa 10 top wanted person target ng Oplan Lambat Sibat.

Noong Sabado (Feb. 17), isang top wanted person ng Nueva Vizcaya ang naaresto sa kanyang pinagtataguhan bahay sa Xevera Subdivision, Barangay Tabun, Mabalacat City.

Naaresto ng mga operatiba si Virgilio Garcia, 50, nasa listahan ng DILG-Nueva Vizcaya as Top Priority Target.

Ang raiding team ay may dalang warrant of arrest na inisyu ni Judge Rogelio Corpuz ng RTC Branch 27, Bayombong, Nueva Vizcaya nang salakayin ang bahay ng suspek.

Ang suspek ay may kasong murder with no bail recommended.