NOONG Hunyo 6, natapos na ang six months suspension kina Director General Alan Purisima, dating chief PNP, Chief Superintendent Raul Petrasanta, PRO3 director at iba pa.

Sinuspende ng Office of Ombudsman sina Purisima at Petrasanta dahil sa mga nawalang mga high-powered firearms sa Firearms and Explosive Division sa National Police Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Nagsimula ang kanilang suspension noong nakaraang Disyembre at natapos na nga nitong Hunyo 6.

Matagal tagal din ang naging bakasyon ng mga nasuspendido at nitong Hunyo 10, inaasahan na sila babalik na sa kanilang mga puwesto.

Matatandaan sumabit pa si Purisima sa Mamasapano encounter na kung saan siya umano ang nagbigay ng “order” sa mga Special Action Force.

Ang misyon nila ay upang kunin si Marwan, ang number one terorista at nagtagumpay naman ang mga SAF personnel dahil napatay nila ito.

Subali’t nang sila’y palabas ng Mamasapano ay na-enkuwentro nila ang mga rebelde na tumagal ng ilang oras.

44 SAF ang naging casualties sa nasabing enkuwentro.

Dahil dito nagretiro si Purisima kaya walang babalikan itong puwesto.

Samantalang si Petrasanta ay maaaring makabalik pa rin sa kanya puwesto kaya lang mayroon pa yatang hinihintay na “order” mula sa higher-up, ayon sa source ng Dateline.

Maraming nag-aabang na mga police officer sa pagbalik ni Petrasanta…