ANG ipinatutupad "Lambat-Sibat" ng Police Regional Office-3 (PRO3) nagsimula noong Enero ay naging epektibo dahil halos wala ng nire-report na crime incidents ang mga Provincial at City Police Offices.

Ito ang naobserbahan ng Dateline, dahil nitong nakaraang ilang buwan wala ng ipinadadalang report ang mga Provincial at City Police Offices sa Police Regional Office-3 (PRO3) headquarters.

Mukha yatang naging maganda at epektibo ang kampanya ng PRO3 ukol sa Lambat-Sibat dahil sa tuloy-tuloy na mga checkpoint na itinatayo ng PNP sa bawat bayan sa Gitnang Luzon.

Malaki ang ibinaba ng Crime Incidents sa rehiyon mula nang ipatupad ng PNP National headquarters ng Camp Crame sa mga Regional Police Offices ang Lambat-Sibat.

Sa Gitnang Luzon na kung saan noong wala pang Lambat-Sibat, ang taas ng crime incidents.

Karamihan ng mga ito ay robbery/hold-up, shooting incidents, akyat bahay at iba pa.

At matatandaan noong nakaraang taon naging talamak ang illegal activities ng Motorcycle Riding Criminals (MRCs) sa rehiyon.

Kabi-kabila ang insidente ng robbery/hold-up, snatching at shooting incidents ng MRCs sa rehiyon lalo na sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija at Pampanga at maging sa iba pang mga lalawigan.

Ito ang naging malaking problema ng PRO3 noong sa mga MRCs. Nguni't nang sinimulan nito ipatupad ang Lambat-Sibat ay halos wala ng reported incidents na perpetrated by MRCs.

Ang ginagawa ng bawat Provincial, City at Municipal Police Offices, palagi silang nagsasagawa ng mga Checkpoint na kung saan sinisita ng mga pulis ang mga MRCs na dumadaan.

Patuloy din ang ginagawang pagpatrolya ng mga Mobile Patrol Vehicles sa mga pangunahing kalsada at maging sa mga villages sa rehiyon, kaya naman malaki ang ibinaba ng crime incidents.

Nagpapatunay lamang kapag may "Police Visibility" ang mga lawless elements ay bantulot na gawin ang kanilang illegal activities.

Sa pagbaba ng crime incidents dahil sa Lambat-Sibat, hindi naman kaya tinatago ng mga Provincial at City Police Offices ang mga nangyayari sa kanilang area of responsibilities? Nagtatanong lang po…

Nakapagtataka lamang kung bakit kung minsan kahit isang crime incident walang ipinadadala sa PRO3 headquarters. Bakit kaya?

Dahil ba ibig nilang ipakita sa PRO3 authorities mula nang ipatupad Lambat-Sibat ay naging zero crime incidents sa kanilang area of responsibilities? Nagtatanong lang po.