Sangil: Ang mga casino sa Pampanga at Clark

NAPAKALAKING ginhawa ngayon sa mga hindi naninigarilyo ang isang Executive Order (EO) na inilabas ng Malacanang na pagbabawal sa paninigarilyo sa mga publikong lugar. At nakakaawa namang panoorin ang mga adik sa sigarilyo na nagtatago sa isang kulong na lugar na kung saan sila ay bugang buga ng nakakaperwisyong usok. Sunog Baga Corner. Iyan sukat ang ilagay sa pinto ng kulong na silid para sa naninigarilyo.

Yaong mga senior citizens na kadalasan kong nakakasabay na nagdidibersiyon sa mga mumurahing tayang slot machines sa mga casino ay parami ng parami dahil wala na yaong iniiwasan ng mga naninigarilyo na mahirap paki-usapan kapag nakatabi na huwag namang ibuga halos sa mukha mo ang usok na nakakabwisit at nakakasakit.

Nabanggit ko na rin lang ang casino, balita ko halos lahat ng casino dito sa Pampanga, Lungsod Angeles at Clark Freeport ay tumutupad sa EO, bukod diumano ang Widus sa Clark. Naglaan lang daw ng isang kwarto ng VIP at wala namang pinto para hindi lumabas ang usok sa main gaming area. Baka naman napagsabihan na at tumupad na rin habang sinusulat ko ang akdang ito.

Ang mga casino sa Clark ay ang Royce Hotel Casino, Midori, Mimosa (Pagcor) at Widus. Sa may Bacolor ay ang Leisure World. Dati nandiyan ang Casablanca na pag-aari nila dating Kongresista Carmelo Lazatin at ang yuamong Engineer Damian Ramos. Sarado na ito. Ang isa pang nasarang casino ay ang Fontana casino na pag-aari naman ni Jack Lam na isang negosyanteng tsino na taga Hongkong.

Marami ring mga empleyado ng Fontana Casino na abot sa mahigit isang libo katao nna umaasa na sana ay mabuksan muli ito dahil wala namang violation ito. Ang violation ay yaong On-Line gambling operasyon ng mga ilang negosyanteng tsino sa mga villas na nandoon sa compound ng Fontana Leisure Resort. Ang casino mismo ng Fontana ay walang paglabag sa batas. Ito'y mino-monitor ng 24 oras ng mga tauhan ng Pagcor. At ang operasyon nito pati na ang ang kaniyang pananalapi ay mino-monitor din ng Clark Development Corporation. Wala rin namang pagkakautang kahit isang sentimo ang Fontana sa Bureau of Internal Revenue, Pagcor at CDC.

Ang mga tsinong nahuli ng Bureau of Immigration ay dahil sila'y nagtatrabaho ng walang working permit. Walang kinalaman ang Fontana Casino dito. Kaya lang damay damay na dahil nagkaroon ng kontrobersiya dahil nasangkot ang dalawang BI commissioners at ilang tauhan nito. Inimbestigahan ito ng senado, pinagpiyestahan ng mga mamahayag at ang resulta tuluyan ng naipinid ang Fontana Casino. NganNga sabi ng mga empleyado ng casino. Isa pang tanong nila na kung bakit ang Resort World Casino sa may Pasay City ay pinabuksan ng gobyerno samantalang ang daming tao ang nasawi dito, samantalang sa Fontana eh wala naman.

Tweets:

+Tinamaan ng husto ang mga manukan at itikan sa Pampanga. Aksiyon naman agad ang gobyerno.

+Painit na painit ang kampanya ni Tatay Digong sa illegal drugs trade. Padami ng padami ang 'lumalaban' sa mga nanghuhuling pulis. Kaya tepok sila.

+ Bakit kaya puro 38 revolver ang karaniwang baril ng mga adik at drug pushers? Hindi ba ang mga pushers ay sukat mapera at kayang bumili ng .45 o Glocke kaya? Nagtatanong lang po.
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph