Sangil: Kung anong gawa ng matatanda...

MARAMI ang natutuwa sa istilo ng pananalita ni Pangulo g Rodrigo Duterte. Tiyak lagi na lang pag nagsalita sa publiko asahan mo tiyak may kalakip na mura, tumataginting na P---na. May pumapalakpak, style lang niya daw yun. Mayroon din naman hindi nagugustuhan ang kaniyang pagmumura. Sabi nga noong aking barkada na naalala ko pa daw na noong tayo' nasa elementarya sa taas ng blackboard ng classroom natin, iba't ibang mga panuntunan sa buhay na nakasulat sa inglis. Ang pinaka-karaniwan ay iyong ' Honesty is the best policy'. 'To God be the Glory', etc etc.

Walang batang mag-aaral ang hindi tinuruan ng, ' good manners and right conduct', o GMRC. Pinapanday ang ating mga murang isip sa mga bagay na sukat nating ikilos at isalita, maging sa kaklase, titser, kaibigan, kasamahan sa bahay at maging sa ating magulang at kapatid.

'Kung ano ang gawa ng matatanda ay ginagaya ng mga bata, dahil akala nila ito yung tama', ito ay isang kasabihan na ilan beses na natin narinig. Ang tanong ngayon ng karamihan, ano kaya ang pumapasok sa ulo ng mga ilang mambabatas na magbatuhan ng putik, magbitaw ng hindi kanais-nais na salita sa harap ng sambayanang Pilipino?

Sa ibang banda naman, kahit papaano nakita atin ang tunay na pagkatao nila. Daig pa ang mga walang pinag-aralan sabi ng mga ilang kasamahang mamahayag at ng mga senior citizens na tumatambay sa isang food chain. Hindi po ba na pag may binitiwan kang salita na hindi kanais-nais sa pandinig, ang sasabihin noong nakapakinig eh,' parang walang pinag-aralan ang mamang yan'.

Naikwento ko na ito, pero napapanahon na ulitin. Noong ako'y nag-aaral pa sa Maynila, pag walang pasok sa eskwela, pasyal ako agad sa kongreso. Ang Congress building noon ay katabi ng City Hall ng Maynila, at ginagamit ngayon bilang isang museo.

Ang mga senador na natatandaan noong dekada sisenta ay sila Gil Puyat, Soc Rodrigo, Lorenzo Sumulong, Lorenzo Tanada, Eva Estrada Kalaw, Jose Roy, Jose Diokno, Ambrosio Padilla, Rogelio De La Rosa at Ferdinand Marcos, at ilan pang di ko na matandaan.

Kaibang-kaiba ang kilos at pananalita ng mga sinaunang senador. Nagbabatikusan din, pero walang mahalay na salita na masakit sa pandinig ang mamumutawi sa bibig nila. Very subtle, ika nga sa inglis ang mga patutyada na kailangan ang 'reading between the lines'.

Maging sa House of Representatives, ang mga kongresista ay mapino rin ang mga salita at kilos, kaya lang paminsan minsan hindi maiwasan ang mga bangayan nila. May mga pagkakataon sa kainitan ng mga debate, may naghahamon ng suntukan. Pero pagkaraan ng ilang minuto at nagdeklara ng recess, muling nagkakabati.

Tweets:

+ Nakapila na si dating Pangulong Noynoy Aquino na haharap sa hukuman para siya ay litisin sa 'pagkakasala' na binibintang sa kaniya.

+ Inaasahan na may kasong plunder ang sukat harapin niya na kasama ang dating Budget Secretary Butch Abad sa 'pinansuhol' na tinawag nila Development Acceleration Fund (PDAF) nila sa mga ilang senador at kongresista para ma-impeach ang yumaong Chief Justice Renato Corona.

+ Ang lumalakad na regla sa pulitika dito sa atin ay pagkatapos ng pununungkulan ng isang pangulo ay pagkagaling sa Malacanang sa kulungan ang tuloy. Si Erap, si GMA at ngayon ay naka-regla si Noynoy.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph