APAT na mga provincial police director sa Central Luzon ang na apektuhan ng pagbalasa.

Karamihan sa mga na-apektuhan ay iyong mayroon ng two-year term of duty, pahayag ni Chief Superintendent Leon Nilo dela Cruz, Central Luzon police director, sa Dateline.

For updates from around the country, follow Sun.Star on Twitter

Noong Biyernes, si Senior Superintendent Manuel Gearlan ay pinalitan ni Senior Superintendent Arnold Gunacao bilang officer-in-charge ng Bataan Police Provincial Office.

Si Gearlan ay mayroon nang dalawang taonng nagserbisyo sa lalawigan ng Bataan na kung saan marami itong naging magagandang accomplishment.

Si Gearlan ay nabibilang sa miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ’84, samantalang si Gunacao ay Class ’85.

Si Gunacao ay galing ng Camp Crame at natalaga din ito sa Bataan Police ng ilang taon bilang chief ng Intelligence Division.

Noong Sabado, si Senior Superintendent Edgar Tinio na nabibilang sa PMA Class ’84 ay na-upo bilang officer-in-charge ng Bulacan Police Provincial Office. Pinalitan ni Tinio si Senior Superintendent Diosdado Ramos ng PMA Class ’83.

Halos wala pang anim na buwan si Ramos sa pwesto, siya’y na-apektuhan ng pagbalasa dahil sa maraming kadahilanan. Si Tinio ay dating chief ng Regional Logistics Division sa Camp Olivas.

Nitong Lunes, naka-schedule na palitan din si Senior Superintendent Roland Felix (PMA ’86) dahil natapos na nito ang two-year tour of duty bilang Zambales Police provincial director.

Si Senior Superintendent Rafael Santiago ang magiging OIC ng Zambales Police. Classmate ni Felix si Santiago.

Sa pamumuno ni Felix sa Zambales Police ay naging peaceful and orderly ang sitwasyon sa nasabing lalawigan at marami din siyang nagawang big accomplishments. Naging maayos ang pamamalakad ni Felix sa Zambales Police at maraming humanga sa kanyang administrasyon bilang dalawang taon na provincial police director.

Nakatakda din nitong Lunes na italaga bilang OIC si Senior Superintendent Amado Corpuz (PMA ’86) ng Tarlac Police Provincial Office.

Papalitan ni Corpuz si Senior Superintendent Rudy Lacadin na umabot na sa two-year tour of duty. Marami ding mga big accomplishment si Lacadin.

Ang hindi pa malaman ng Dateline, kung mayroon pang provincial police director ang maaaring mabalasa nitong nalalapit na eleksyon.

Sa mga natalagang mga OIC, binabati po kayo ng Dateline ng Mabuhay.