NAGSIMULA ang Total Gun Ban noong Enero 10 sa buong bansa.

At bilang pagtugon sa ban, noong Linggo (Enero 10) inatasan ni Chief Superintendent Leon Nilo dela Cruz, Police Regional Office (PRO3) director, ang lahat ng mga provincial at city police director na magsagawa ng kani-kanilang checkpoint sa kanilang area of responsibility.

Click here for stories and updates on the Sinulog 2010 Festival.

Lima katao, kabilang ang dalawang security guard, ang naaresto ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) sa dalawang magkahiwalay na checkpoint sa Marilao at San Ildefonso.

Ang mga nahuli ay nakilalang sina Danilo Gonzales, 44, ng Barangay Balaong, San Miguel, Bulacan; Jess dela Cruz, 48 ng Barangay Parang, Marikina City; Kim Harvey Garcia, 29, isang security guard at residente ng Barangay San Juan, San Pablo City, Laguna; Christopher Godoy, 19, ng Barangay Kalawan, Doña Remedios Trinidad, Bulacan; at Crisante Falguera, 24, isa ring security guard at residente ng Barangay Culiat, Quezon City.

Sang-ayon kay Dela Cruz, ang mga nahuli ay sinampahan ng kaukulang kaso sa korte noong Lunes.

Ang nasabing limang katao na lumabag sa gun ban ay pawang nahuli sa checkpoint noong Linggo ng gabi.

Samantalang sa kabila ng isinagawang mga checkpoint ng mga police director sa mga lalawigan ng Pampanga, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Aurora at Angeles City at Olongapo City sa kanilang area of jurisdiction ay wala pang na-ireport na mayroon silang nahuli na may dalang mga baril.

Ang ibig sabihin lang nito ay naging masunurin ang ating mga kababayan sa mga nasabing lalawigan at lungsod kaya ni isang may dala ng baril ay walang nahuli sa nabanggit na mga lugar.

Sang-ayon kay Dela Cruz, tuluy-tuloy pa rin ang pagsasagawa ng mga checkpoint ng bawat lalawigan at dalawang lungsod sa Central Luzon bilang pagpapatupad ng Total Gun Ban na ipinaiiral ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa nalalapit na eleksyon.

Walang exemption ito, ayon pa kay Dela Cruz, maging ang miyembro ng Philippine National Police (PNP) ay kanilang huhulihin kung nakitaan ito ng may dalang baril na hindi unipormado.

Maging ang mga security guard na hindi naman nasa duty ng kanilang binabantayan na establishment ay kanilang huhulihin kapag may dalang baril.

Hinakayat naman ni Dela Cruz ang lahat ng gun owners sa Central Luzon na sumunod na lamang sa ipinatutupad na Total Gun Ban para walang magiging problema.

Revamp sa mga hepe sa Pampanga

Nitong unang linggo ng Enero dalawang chief of police sa Pampanga ang ni-relieve.

Noong Enero 9, sabay na ni-relieve ni Senior Superintendent Gil Lebin Jr., Pampanga Police Provincial Director ang hepe ng City of San Fernando at ng Guagua.

Mahigit na ring isang taon si Superintendent Benjamin Medina bilang hepe ng City of San Fernando at marami naman itong naging accomplishment.

Ang pumalit kay Medina ay si Superintendent Mario Dayag na kung saan mahigit isang taon din itong naging hepe ng Guagua Police Station.

Si Superintendent Marvin Mangune naman ang inu-upo ni Senior Superintendent Lebin sa Guagua Police Station kapalit ni Dayag. Si Mangune ay dating nakatalaga sa Pampanga Police Office na kung saan siya ang chief ng operations doon.

Maraming nagulat sa biglaang ginawang pag-relieve ni Lebin sa dalawang nabanggit na bayan at hanggang ngayon hindi pa malaman kung ano talagang dahilan ng kanilang pagkaka-relieve sa kani-kanilang mga puwesto.

Noong nakaraang linggo, apat na provincial police director din ang ni-relieve sa kani-kanilang mga puwesto. Ginawa ang nasabing pag-relieve sa apat dahil nakunsumo na ng mga ito ang two-year tour of duty nila. Nguni't si Sr. Supt. Diosdado Ramos ng Bulacan Police ay nakaka-anim na buwan pa lamang ay ni-relieve ito dahil sa maraming kadahilanan.

First time in history sa turn-over

First time in history sa mga nangyaring turn-over of ceremony sa Central Luzon.

Noong Linggo ng gabi isinagawa ang turn-over ceremony sa pagitan nina outgoing Senior Superintendent Rudy Lacadin, Tarlac police provincial director at Senior Superintendent Amado Corpuz.

Maraming nagtakang mga police officer at maging media people kung bakit gabi ginanap ang nasabing turn-over sa Tarlac Police.

Nagsimula ang seremonya ng 9:00 p.m. at natapos ito ng 11:00 p.m., ayon sa Intelligence Officer ng Dateline.

Si Senior Superintendent Rosario, regional deputy director for Operations, ang nagsagawa ng nasabing turn-over.

Sang-ayon sa IO, nanggaling pa umano si Corpuz sa Zamboanga na kung saan doon siya dati nakatalaga at mabilis umanong sumakay ng eroplano para makahabol sa nasabing turn-over.

Kaya pala naging gabi ang turn-over, galing pala sa Zamboanga si Corpuz.