NAPAPANAHON na upang ipatupad ang "accountability" sa bawat miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang ipinahayag ng isang senior police officer sa Dateline na kung saan, ayon sa kanya, kailangan nang ipatupad ang accountability sa bawat pulis para maging maingat ang mga ito sa mga sasakyan na ginagamit.

Click here for stories and updates on the Sinulog 2010 Festival.

Kung mayroong accountability na ipinatutupad sa mga isyung mga baril, kinakailangan na rin itong ipatupad sa mga sasakyan o mobile patrol na ginagamit ng mga pulis, ayon pa sa senior police officer.

Ang tinutukoy ng senior police officer ay iyong mga inisyung mga mobile car o mga motorsiklo ng PNP. At hindi lang ang mga ito. Maging ang mga ibinigay ng municipal government sa kanilang police station bilang karagdagan sa pagpapatrolya, ayon pa sa senior police officer.

Halimbawa sa mga kapabayahan ng mga pulis sa mga patrol car na ibinigay sa City of San Fernando Police Station noong panahon ni dating Mayor Reynaldo Aquino.

Sa anim na bagong mga Honda cars na binigay ni Aquino sa police station noon, mukhang isa na lang ang natitira o nagagamit sa pagpapatrolya ng pulis na mayroong body number 36 at iyong limang iba pa ay nasira na dahil sa kapabayahaan ng mga gumamit sa mga ito.

Kung naging maingat lamang ang mga pulis na gumagamit nito ay magtatagal pa sana mula sampu hanggang 20 taon ang mga mobile patrol.

Ito ang ibig sabihin ni senior police officer na kinakailangan nang magkaroon ng "accountability" ang bawat pulis na gumagamit sa mga PNP mobile car, inisyu man ng PNP o ibinigay ng city o municipal government.

Dapat pahalagaan ng pulis ang mga patrol car at tinitingnan araw-araw, ayon pa sa senior police officer. Kung masira ito sa kanyang paggamit, kailangan inbestigahan siya kung kailangan siyang managot sa patrol car, ayon pa sa kanya.

At sa mga hepe naman, kinakailangan gawing lingguhan ang pag-inspeksyon sa kanyang mga mobile patrol car upang masiguro na maayos ang mga ito at palaging nasa kondisyon.

Kailangang bigyan ng responsibildad ang mga pulis na gagamit sa mga mobile patrol car at kung may bangga ito ay mananagot ito sa kanyang hepe.

Huwag nating sabihin na kulang ang ibinibigay na maintenance fund ng higher PNP headquarters. Nasa hepe o isang pulis kung magiging maaayos o nasa kondisyon ang mga mobile patrol car.

Sa pamamagitan ng accountability, tiyak na mag-iingat at pangangalagahan ang mga ito. Di po ba?