SECTIONS
Thursday August 16, 2018
DAVAO

Sapnu: No police visibility sa CSF?

ANO ba ang nangyayari sa City of San Fernando at hindi mabigyan solusyon ang lumalalang insidente ng basag kotse?

Matatandaan noong ilang nakaraan buwan, ilang insidente ng basag kotse ang nangyari sa lungsod.

At hanggang sa sinusulat ang kolum na ito, wala pang nahuhuling miyembro ng tinaguriang basag kotse group ang City of San Fernando Police.

Nitong nakaraang linggo lamang, dalawang katao ang nabiktima ng bukas kotse group.

Noong Huwebes, ipinarada ni Miraflor Tottoc, 61, ng Barangay Maytunas, San Juan City Metro Manila ang kanyang Isuzu Altera (PWA-154) sa harap ng Bale Capampangan Restaurant.

Dakong 7:30 p.m. nang ipinarada ni Tottoc ang kanyang sasakyan upang kumain ng dinner sa nasabing restaurant.

Pagkatapos nitong mag-dinner dumeretso ito sa Orotel sa Lazatin Boulevard na kung saan doon siya naka billet at doon niya napansin na basag pala ang kanyang bintana at nawawala ang kanyang laptop.

Isang Toyota Innova (AC-C989) na pag-aari ni Mark Antony Reyes, 30, ng Barangay Paroba, Sta. Ana, Pampanga ang naging biktima din ng basag kotse group.

Ipinarada ni Reyes ang kanyang behikulo sa kahabaan ng Ma Arthur Highway sa Barangay San Isidro, City of San Fernando at binisita nito ang kanyang kaibigan doon.

Nguni’t pagbalik nito sa kanyang Innova, basag na ang kanang bintana nito ang nawawala na ang kanyang sling bag na may cash na P10,800, mga dokumento, IDs, passbook at passport.

Sang-ayon kay Senior Superintendent Ronaldo Llanera, Police Regional Office III (PRO3) deputy regional director for operation, nangyayari ang insidente ng basag kotse sa City of San Fernando dahil “no police visibility.”

Ito ang pahayag ni Llanera nang ang inyong lingkod tanungin nito sa sunod-sunod na mga insidente ng basag kotse.

Kailangan ang police visibility, pahayag pa niya...

Ano naman ang magiging aksyon ni City Mayor Edwin Santiago? Nagtatanong lang po...


VIEW COMMENTS