Sapnu: OCA challenge totoo ba?

ANG One Commendable Act (OCA) challenge ay inilunsad noong Mayo 9, na kung saan iyon ang pagdating ni Chief PNP Director General Oscar Albayalde sa Camp Olivas.

Sang-ayon kay Albayalde dapat makagawa ng mabuti sa mamamayan ang isang police officer at iyon ang OCA.

Kaya naman simula nang inilunsad ang OCA challenge sa Police Regional Office (PRO)-Central Luzon mayroon ng ilang police officers ang nakagawa ng good deeds sa mga kababayan natin.

Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, inatasan umano ni Chief Superintendent Amador Corpus, PRO-Central Luzon director, ang siyam na provincial at city police offices sa rehiyon na magsubmit ng kanilang OCA sa headquarters.

Ang mga provincial at city police directors ay inutusan naman ang 140 police stations sa Central Luzon na magsumite ng kanilang good deeds upang masama sa OCA challenge.

Maging ang lahat ng police offices sa PRO-3 headquarters ay inatasan din na magsumite ng kanilang good deeds.

Sang-ayon sa IO, kapag wala raw maisumiteng good deeds ang isang provincial at city police office ay pinarereport o dili kaya ay dapat magbigay ng explanation ang PD o CD kung bakit wala itong isinumite sa region.

Iyong iba ngang mga police officers ay gumagawa na lamang ng kanilang good deeds upang mayroon lamang maisumite sa rehiyon.

Makikita ninyo sa Facebook ang good deeds na nagawa ng isang police officer. Ang tanong: ito ba ay “orchestrated” o on the spot incident? Nagtatanong lang po...

Dalawang halimbawa ng OCA ay ang ginawa nina SPO2 Rogelio Javier at PO1 Bernardo Corpuz Jr., kapwa nakatalaga sa First Mobile Force Company ng Pampanga Police, habang off duty ay sinagip ng mga ito ang isang batang nalulunod.

Samantala sina PO1 Cindy Vicente at PO1 Jesstoni Palomo, kapwa miyembro ng San Miguel Bulacan police, nagbigay ng paunang lunas sa dalawang biktima ng motorcycle accident.

Ang dalawang ito ay nangyari on the spot, kaya ba ito ay makatotohanan?

Hindi naman masisi ang isang police officer na gagawa na lamang isang good deed upang mayroon lamang maisumite sa provincial o city police director.

Sang-ayon sa IO, wala naman matatangap na award o reward ang mga police officers na nakagawa ng good deeds. Para saan ba itong OCA challenge? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph