Sapnu: Revoking of order nauuso sa PNP

NAGING usap-usapan ang “revocation of order” ng isang senior superintendent sa Central Luzon.

Sabi nga ng isang police officer sa Dateline, ang galing naman ng nasabing senior superintendent at nahilot nito ang kanyang pagka-relieve bilang provincial police director.

Sang-ayon sa intelligence officer (IO) ng Dateline, noong nakaraang linggo, sinibak sa puwesto ng PNP National Headquarters Camp Crame si Senior Superintendent Marcelo Dayag, acting Bataan police provincial director.

Ang order for relief ay dated Thursday (June 28) subali’t, ayon sa IO, nahilot umano ni Dayag ang pagkakasibak nito sa puwesto.

Kinabukasan Friday, ibinalik ulit si Dayag sa Bataan police dahil sa kanyang malakas na “backer” na kung saan napakiusapan ang nakatataas sa PNP na i-revoke ang order nito.

Maraming kadahilanan ang pagre-relieve kay Dayag, ayon sa IO.

Isa nito baka hindi na natutuwa ang kanyan gobernador sa trabaho nito at ang karaingan ng kanyang mga mga staff at hepe, ayon sa IO.

Sang-ayon pa sa IO, isang kadahilanan pa ay ang “mismanagement” sa kanyang administration.

Matatandaan naupo si Dayag noong Nobiembre (2017).

Sino kaya ang malakas na “backer” ni Dayag ay nahilot nito ang kanyang pagkaka-relieve sa Bataan Police Provincial Office?

Ano kaya masasabi ng National Headquarters sa pag-revoke sa order ni Dayag.

Mas malakas ba iyong “backer” ni Dayag kaysa kay PNP Chief? Nagtatanong lang po...

Nangingibabaw ba ang bulong? Nagtatanong lang po.....

*****

Binabati ng Dateline ang bagong upong PRO3 Deputy Regional Director for Administration (DRDA) Senior Superintendent Christopher Tambungan. Siya ang pumalit kay retired Chief Superintendent Elmer Bantog.

Si Tambungan ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class "87. Siya naging Olongapo City Police director noong termino ni retired Chief Superintendent Edgardo Ladao.

Sir congrats as DRDA!

Binabati din ng inyong lingkod si Superintendent Fe Grenas, chief ng PRO3 Police Regional Information Office sa kanyang kaarawan noong Hulyo 4. Si Grenas ay miyembro ng PNPA class 2000.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph