Sapnu: Tarlac at Pampanga pina-igting ang kampanya laban sa droga

NITONG pag-upo ni Senior Superintendent Nicolas Salvador, Pampanga police acting provincial director, lalo nitong pina-igting ang kampanya nito laban sa droga.

Hindi na mabilang ang mga drug pusher na nahuhuli ng Pampanga police simula nang naupo si Salvador.

Maging ang napapatay mga drug pusher ay marami na rin nairereport dahil umano’y nakipagpalitan ng putok sa mga otoridad.

Nangunguna ang City of San Fernando police sa kampanya laban sa droga dahil mula nang maupo din si Superintendent Levi Hope Basilio ay di na rin mabilang ang mga nahuhuli.

Kaya naman halos lahat ng mga kukulungan sa Pampanga ay napupuno dahil sa nahuling mga drug pusher/user.

Ang Tarlac police ay lalo din pina-igting ang kampanya laban sa droga.

Hindi naman nagpahuli si Senior Superintendent Ritchie Posadas, Tarlac police provincial director sa kanyang bagong pina-igting na kampanya sa droga.

Mula Mayo hanggang kasalukuyang buwan, hindi na rin mabilang ang naaarestong mga drug pusher/user ng Tarlac police.

Maging ang napapatay na mga drug pusher/user ay marami na rin narereport ang Tarlac police.

Ang Pampanga at Tarlac Police ang maraming accomplishments sa campaign against illegal drugs.

Dati ang Bulacan Police ang dating nangunguna sa kampanya sa droga pero sa ngayon mukhang pumapangatlo na lamang?

Sa Sona ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes, kanyang pinahayag na kanyang pag-iigtingin ang kampanya sa droga.

Kaya naman inaasahan na marami na naman mga drug pusher/user ang mahuhuli at mapapatay kung sakaling manlaban ito sa mga otoridad.

Abangan po ang panibagong pahayag ni Duterte laban sa droga...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph