Sapnu: Tatlong gubernador hiniling palitan ang kanilang PD?

Published on

NAGIGING mainit ang isyu tungkol sa pag-upo sa mga police provincial director sa Central Luzon.

Ito’y dahil di umano dumaan sa mga gubernador ang pag-upo ng tatlong police provincial director o sa madaling salita PD sa kanilang lalawigan.

Ang mga naupong PD ay nangyari lamang sa pamamagitan ng “Pag-Appoint” ng PNP National Headquarters, Camp Crame, ayon sa intelligence officer (IO) ng Dateline.

Dapat sana magbigay muna ng limang senior superintendent sa mga gubernador upang doon sila maaaring mamili kung sino gusto nilang maging PD.

Subali’t ni isa sa tatlong gubernador ay walang ibinigay na listahan limang Senior Superintendent na kanilang maaaring piliin, ayon sa IO.

Sang-ayon sa IO, nagpadala na umano ng “letter” sina Pampanga Governor Lilia Pineda, Governor Wilhemino Alvarado-Sy at Zambales Governor Amor Deloso.

Nagre-request umano sina Pineda, Alvarado Sy at Deloso na kung maaari magbigay ng listahan ang PNP na maaari nilang mapiling maging PD.

Sina Pineda at Alvarado-Sy ibinigay ang kanilang letter sa PNP nitong nakaraang linggo.

Samantalang si Deloso ay kinokwesyon ang pag-upo ni Senior Superintendent Cosme Abrenica as acting PD nito.

Ito’y dahil hindi man lamang nakapamili sa ibinigay na listahan na five senior superintendent si Deloso.

Matatandaan noong termino ni dating Chief PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, ina-appoint lamang nito ang ibig nitong maging PD.

Kaya hanggang sa kasalukuyan ay nangyayari din ang pag-appoint?

Sino po ba ang dapat masunod sa pag-upo sa mga PD ang mga gubernador ba o PNP? Nagtatanong lang po...

Ano na nangyari sa mandate ng local government uni’s sa pagpili nito sa gusto nitong maging PD? Ito po ang malaking katanungan.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph