Sapnu: Bukas Kotse gang umatake sa Angeles City

NAKAKABAHALA na ang pagdami ng insidente ng Bukas Kotse gang nitong nakaraang linggo.

Wala nang pinipili ang grupo ng lugar sa pagtarget ng kanilang mabibiktima.

Nitong nakaraang Biernes, Aug. 10, isang negosyante ang kanilang naging biktima.

Ipinarada ni Noel Calma, 41, ng Barangay Babo Sacan, Porac, Pampanga ang kanyang Mitsubishi Adventure (XHS-(33) sa harapan ng Puregold sa Barangay San Nicolas, Angeles City.

Mga 5:18 p.m. nang pumasok sa nasabing supermarket ang biktima at nang bumalik ito nagulat ito basag ang kaliwag bintana ng kanyang behikulo.

Tinangay ng mga kawatan ang sling bag ng biktima na kung saan naglalaman ng kanyang driver license, China Bank at BDO ATM, isang wallet na may laman P5,000, isang gold necklace, isang bracelet, at isang timex watch.

Noong July 20, isang abugado ang naging biktima ng miyembro ng Basag Kotse gang.

Ipinarada ni Atty. Eloy Bello IV ang kanyang Toyota Fortuner sa SM mall Telebastagan parking lot.

Pumasok sa mall ang biktima na kasama ang isang kaibigan upang magkape.

Ngunit paglabas ng mga ito at puntahan ang kanyang behikulo laking gulat nito basag ang kaliwang bintana nito.

Natangay sa biktima ang BDO checks, BPI credit card, Union bank credit card, driver’s license, company ID, Philhealth card, at BDO ATM card.

Kung iyong matatandaan sa City of San Fernando sunod sunod ang insidente ng Basag Kotse.

Ang pinakamarami ay sa Robinsons Starmills at take note sa loob ng 30 minuto siya ang nadale ng Basag Kotse gang.

Bukod sa Robinsons Starmills naging sunod sunod na ang insidente ng Basag Kotse kabilang na sa Villa Victoria sa Dolores, sa isang restaurant sa Dolores, Laza Seafoood grill sa Lazatin Boulevard sa Dolores at sa Barangay Calulut.

Saan naman kaya ang target na lugar ng Basag Kotse gang?

Kailan kaya mahuhuli o masusugpo ng PNP ang nasabing grupo? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph