Sapnu: Ano na ba ang aksyon sa mga ‘request’ ng 3 gubernador?

MATATANDAAN ilang linggo na nagpadala ng mga sulat sa PNP ukol sa kanilang “request” sa kanilang police provincial director (PD).

Ang sulat ay upang hilingin nila na kung maaari palitan ang mga nakaupong PD.

Ang sumulat na mga gobernador ay ang Pampanga, Bulacan at Zambales na kung saan ang inuupo umano mga PD ay hindi dumaan sa proseso.

Hindi man lang umano nagbigay sa kanila ng listahan ang higher PNP na limang senior superintendent sa nasabing gobernador upang sila’y makapamili.

Na kung saan ito ang tamang proseso upang makapamili ang isang gobernador na kung nila maging PD.

Subali’t hindi nangyari ito ang ginawa ng higher PNP ay “inappoint” lang ang umano ang mga PD.

Kaya naman sila’y nagrereklamo sa biglaang pag-upo ng mga PD sa kanilang lalawigan.

Nagsimula ang nasabing pag-appoint sa mga PD ay sa termino ni dating Chief PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.

Kaya naman hanggang ngayon daw, ayon sa mga police officer nakausap ng Dateline, mukhang tuloy tuloy ang ginagawang pag-appoint sa mga PD.

At ang nangyayari pa nito, ayon sa mga police officer, karamihan sa mga naupo o na-appoint ay galing sa Camp Crame.

At ang masaklap nito, ayon sa mga police officer, ang daming senior superintendent sa Police Regional Office III (PRO3) na maaaring maupo o naghihintay upang maupo.

Ang mga ito ay “qualified” sa nasabing posisyon upang maging PD ngunit, sila’y hindi nabibigay ng “break” at nagmumula pa sa ibang rehiyon o partikular sa Camp Crame nauupong PD, ayon sa mga police officer.

Hanggang ngayon wala pa umano aksyon ang mga sulat ng tatlong gubernador...

Sila’y ba ay maghihintay sa “wala”? Nagtatang lang po.

*****

Binabati ng Dateline si Superintendent Ma. Cristina Rebellon ng belated Happy Birthday. Si Rebellon ang administrative officer (ADMO) ni PRO-3 Director Chief Superintendent Amador Corpus.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph