Sapnu: Basag/bukas kotse gang tinarget si superintendent

HINDI na yata masugpo ng Philippine National Police (PNP) ang insidente ng basag/bukas kotse gang.

Nitong Huwebes lamang, isang police officer ang naging biktima ng nasabing grupo.

Si Superintendent Dale Daupan Soliba, chief of police ng Mexico ng dakong 12:00 p.m. ay ipinarada ang kanyang Honda Civin Sedan sa parking lot ng Kingsborough sa Jose Abad Santos Avenue (JASA).

Si Soliba nagpunta doon upang dumalo sa isang conference, ayon sa report.

Nguni’t pagkatapos ng nasabing conference at pagbalik nito sa kanyang behikulo laking gulat nito hindi nito makita ang kanyang sling bag.

Sa CCTV footage, ang mga suspek ay pumasok sa parking lot sakay ng isang Nissan van na kulay puti.

Nang makita ang target, isa sa mga suspek ay bumaba at binubuksan nito ang kaliwang pinto ng behikulo.

Subali’t hindi nito mabuksan, ang kaliwang pinto naman ang binuksan niya at doon niya nakuha ang sling bag ni Soliba, ayon sa report.

Ang sling bag ng biktima ay naglalaman ng two pieces City Bank credit cards, Metrobank ATM, PSSLAI ID, two bunch of keys, a caliber .45 pistol with magazines loaded with ammunitions and firearms ID.

Wala na yatang kinatatakutan ang grupo maging ang isang police superintendent ay binibiktima nila.

Sa dami ng mga nakaparadang behikulo doon, bakit kaya ang Honda Civic ni Soliba ang tinarget? Nagtatanong lang po...

Noong nakaraang buwan, isang abugado ang nawalan din ng mahahalagang gamit sa grupo ng basag kotse.

Ipinarada ng abugado ang kanyang behikulo sa SM Telabastagan parking lot at nagkape lamang sandal sa loob nguni’t pagbalik nito ang kanyang kanan salamin bintina ay basag na.

Sa CCTV footage nakasakay sa isang puting Nissan van ang grupo.

Muntik na rin naging biktima ang isang motorista ng Basag Kotse. Ipinarada nito ang kanyang behikulo sa harapan ng isang kainan sa Barangay Del Rosario, City of San Fernando.

Buti na lamang narinig nito ang nangyari sa kanyang behikulo at hindi natangay ang kanyang mga kagamitan.

Ang masaklap nito ang salamin ng kanyang bintana ng kanyang sasakyan ay nabasag.

Bakit kaya hindi masugpo-sugpo ng pulisya ang insidente ng basag/bukas kotse sa lungsod at maging sa ilang lalawigan sa Gitnang Luzon? Nagtatanong lang po.....

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph