MATATANDAAN na noong si Senior Superintendent Keith Singian ang Pampanga police provincial director, kanyang pinagawa ang mga Cambilan post.

Napagawa ni Singian, na kasalukuyan nakatalaga bilang Chief Directorial Staff ng Police Regional Office-3 (PRO3), sa tulong ng kanyang mga malalapit na kaibigan.

Click here for stories and updates on the Sinulog 2010 Festival.

Nang si Singian ang Pampanga provincial director, lahat ng mga Cambilan post ay kanyang ipinakalat sa iba't ibang lugar sa Pampanga upang maging bahagi ng kampanya sa police visibility.

Police visibility dahil mayroong mga pulis na nakatalaga sa bawat Cambilan post na ipinatayo ni Singian sa iba't ibang strategic places sa bawat bayan sa Pampanga.

Ang mga pulis na naka-puwesto sa mga Kambilan post ay pawang armado ng M-16 armalite rifle at karamihan sa kanila mayroong mga motorcycle na panghabol sa mga kriminal.

Maganda ang naging resulta ng paglalagay ng mga Cambilan sa mga strategic places sa Pampanga dahil naging maayos ang peace and order sa kanyang nasasakupan. Malaki ang naging papel ng mga Kambilan post dahil bumaba ang robbery/holdup at snatching sa mga bayan ng lalawigan, partikular sa City of San Fernando.

Sang-ayon nga sa mga kababayan natin, isang malaking tulong ang mga Cambilan post na itinayo ni Singian dahil naging maayos ang peace and order sa lalawigan.

Nguni't nitong ilang buwan, napapansin ng Dateline at kababayan natin na halos wala ng mga pulis na nakapuwesto sa mga Kambilan post.

Dito lang sa City of San Fernando, mayroong Cambilan post na nakatayo ngayon sa bahagi ng Barangay Palawe, Dolores sa may St. Jude, sa harap ng Jun-Jun sa Dolores, sa San Agustin sa harap ng St. Scholastica, sa Sindalan at Telebastagan, Palawe sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue (JASA) at sa harap ng Land Bank sa JASA at sa harapan ng San Isidro Elementary School sa Barangay Quebiawan.

Malimit mapansin ng Dateline na may nakatalagang pulis sa harap ng Jun-Jun sa Dolores at sa San Agustin sa harap ng St. Scholastica at sa Quebiawan.

Maliban sa tatlong nabanggit na Cambilan post na mayroong naka-duty na pulis, karamihan sa ibang post ay pawang walang nakatalagang mga pulis at nagmumukhang pang-display na lamang ang mga ito.

Iyon ngang sa may St. Jude na nakatayong Kambilan post ay mukhang ginawang tindahan dahil wala nang naka-duty na pulis doon. Maging iyong nasa harapan ng Land bank sa JASA road mukhang ginawang tindahan ng mga pahayagan.

Sana bigyang pansin ni Superintendent Marcelo Dayag bagong officer-in-charge ng City of San Fernando Police Station ang mga Cambilan post na walang mga mga pulis para hindi naman nagmumukhang mga display na lamang.

Bagong talagang staff officer ni Chief Supt. Dela Cruz

Dalawang Senior Police Officer ang bagong talaga sa Police Regional Office-3 (PRO3) dahil ang dating naka-puwesto dito ay natalaga sa bago nilang puwesto.

Si Senior Superintendent Ruben Sindac, miyembro ng Philippine Military Academy class '84, ang bagong chief ng Regional Logistics Division. Pinalitan ni Sindac si Senior Superintendent Edgar Tinio na itinalaga ni Chief Superintendent Leon Nilo dela Cruz, PRO3 director, bilang officer-in-charge ng Bulacan Police Provincial Office.

Si Sindac ay dating provincial police director ng Masbate Police bago ito itinalaga sa PRO3.

Si Senior Superintendent Valliant de Guzman, PMA class 78 na kaklase ni Dela Cruz, ang bagong PRO3 Deputy Regional Director for Administration (DRDA). Pinalitan ni de Guzman si Chief Superintendent Gil Meneses na nalipat naman sa PNP Headquarters sa Camp Crame bilang secretary ng Directorate Staff.

Sang-ayon sa mga Non-Commissioned Police Officer, si Sindac ay palabati (maganda ang PR nito), samantalang si De Guzman ay kabaligtaran umano nito.