Sapnu: CCTV solusyon sa krimen

SA PAGPUPULONG na ginanap ng Police Regional Office Central Luzon (PRO-3) Regional Advisory Council (RAC) at ng Technical Working Group (TWG) ng PNP napag-usapan ang paglalagay ng CCTV camera.

Marami ng nasolusyunan na krimen dahil sa mga footage ng CCTV camera sa mga crime incidents sa bansa.

Matatandaan iyong pagpatay kay Zaragosa Fr. Richmond Nilo at isang mayor Ferdinand Bote ng General Tinio ng Nueva Ecija ay nagkaroon ng soluyson kaagad dahil sa kuha ng CCTV camera.

At maging ang mga ibang crime incident na nagaganap sa iba’t ibang dako ng bansa nabibigyan ng agarang solusyon dahil sa mga CCTV camera.

Kaya naman noong Agosto 31 nitong taon, sa pagpupulong ng RAC at TWG napag-usapan ang paglalagay ng CCTV camera sa bawat bayan sa Central Luzon.

Ito ang epektibong solusyon upang mahuli o mabigyan ng solusyon ang crime incidents sa rehiyon.

Sa pamamagitan ng CCTV camera maaring magdalawang isip ang lawless elements upang maghasik ng kanilang operasyon.

Kinakailangan bawat bayan o lungsod ay maglagay ng CCTV camera sa kanilang area of responsibility.

At sa bawat lalawigan ng rehiyon, dapat pagtuunan ng pansin ng mga local government units ang “proposal” sa nasabing paglalagay ng CCTV camera.

Ito ang epektibong solusyon sa crime incidents na nangyayari na kung saan nakikita ng PNP, ayon kay Chief Superintendent Leonardo Cesneros, PRO-3 deputy regional director for administration.

Kinakailangan din na magkaroon ng command center sa bawat lalawigan upang i-monitor ang lahat nangyayari sa kanilang areas, ayon pa kay Cesneros.

Sana matugunan at mabigyan ng pansin ng mga gobernador sa Central Luzon ang paglalagay ng CCTV camera upang maging peaceful and orderly ang kanilang lalawigan.

Abangan po ang paglalagay ng mga CCTV ng mga gobernador o gobernadora...

*****

Si SPO4 Darwin Mislang nakatalaga sa tanggapan ni Chief Superintendent Amador Corpus, PRO-3 director ay na-promote na bilang police inspector.

Ang donning ng ranggo ay nangyari noong Agosto 20 nitong taon pagkatapos ng Monday flag raising ceremony. Congrats, Inspector Mislang!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph