HALOS mahigit na dalawang buwan na ngayon ni ho o ha wala pang aksyon ng PNP ukol sa mga request ng tatlong gobernador at isang alkalde.
Ang kanilang request sa PNP national headquarters kung maaari palitan ang nakaupong acting provincial director (PD) at city director (CD) sa kanilang lalawigan at lungsod.
Napag-alaman ng intelligence officer (IO) ng Dateline, nagpadala ng request letter ang tatlong gobernador at isang alkalde sa PNP.
Ayon sa IO, hanggang ngayon umano wala pa aksyon ang PNP sa kanilang request letter?
Ang unang dahilan ng tatlong gobernador, di raw dumaan sa proseso ang pagkaka-upo ng mga provincial at city director.
Hindi umano nagbigay ng listahan senior superintendent ang PNP upang sila’y makapamili ibig nilang maging PD o CD.
Basta na lang umano itinatalaga ang mga ito as acting PD at acting CD.
Hindi man lang sila itinalaga bilang officer-in-charge upang sa loob ng tatlong buwan kung hindi sila (senior superintendent) karapat dapat sa nasabing posisyon maaari nilang palitan.
Sang-ayon sa kanila, dapat lamang na bigyan sila (gobernador/alkalde) ng listahan ng mga senior superintendent upang sila mismo ang mamimili ng kanilang PD at CD.
Hindi na ba sinusunod ang proseso ng PNP at sila na ba ang may karapatan o laging masusunod sa pag-upo sa mga PD at CD? Nagtatanong lang po sila...
*****
Grabeng trapik na sa CSF?
Wala na yatang magagawang solusyon ang City of San Fernando sa lumalalang trapik sa lungsod.
Ito ang karaingan ng maraming motorists dahil tuwing rush hour sobrang haba ng trapik sa kahabaan ng MacArthur Highway.
Ang grabe trapik sa may traffic light ng Barangay Sindalan, traffic light sa Barangay Del Rosario at sa harapan ng Walter Mart.
Sa tatlong nabanggit na lugar malimit na grabe ng trapik.
Sa harap ng Walter Mart, malimit walang traffic enforcer doon lalo na kapag rush hour. Kung papunta ka sa kabayanan ng lungsod ang trapik magsisimula sa Barangay San Isidro.
Kung papunta ka naman ng Angeles City, simula sa SM complex hanggang sa traffic light ng Del Rosario ang trapik. Halos magkokonsumu ka ng mahigit kalahating oras bago mo malampasan ang traffic light.
Pagkalampas mo naman sa traffic light ng Del Rosario, matatrapik ka rin sa traffic light ng Sindalan.
Hindi na ba magagawa ng solusyon ang grabeng trapik? Nagtatanong lang po...