Sapnu: Deployment of 300 PNP personnel epektibo

NOONG nakaraang linggo, ang 300 PNP personnel na nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion na halos walang ginagawa ay idineploy sa City of San Fernando.

Ang nasabing idineploy na mga pulis ay may ranggong PO1 bagong graduate.

Idineploy ang mga ito sa City of San Fernando bilang on the job training (OJT) nila.

Halos umabot sa dalawang linggo ang kanilang OJT sa City of San Fernando.

At sa loob ng nasabing dalawang linggo pagka-deploy ng 300 pulis sa lungsod naging maayos ang peace and order.

Ito ang naobserbahan ng Dateline na kung saan kahit saan kanto ng kahabaan ng MacArthur Highway ay nakapuwesto ang mga ito.

Kada kanto o strategic area ng lungsod mayroon dalawang pulis naka puwesto doon.

Kaya naman ang mga kawatan ay hindi maka-operate sa City of San Fernando dahil maraming pulis nakakalat sa kahabaan ng national highway.

Simula sa Barangay Sto. Rosario hanggang Barangay Telabastagan may nakikitang pulis na naka poste ang mga commuter kaya feeling nila ligtas sila sa mga kawatan.

Maging sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue (JASA) mayroon din nakaposteng mga pulis kaya naman kahit papano nagdadalawang isip ang mga lawless elements.

Kahit na walang dalang baril ang mga idineploy na mga pulis naging epektibo at naging maayos ang peace and order sa City of San Fernando.

Walang naging sakit ng ulo si Superintendent Levi Hope Basilio, hepe ng City of San Fernando sa mga kawatan.

Sa obserbasyon ng inyong lingkod, kapag maraming nakakalat na mga pulis hindi nagsusulputan ang mga kawatan.

Dapat lang na dagdagan ng mga pulis ang City of San Fernando upang maging maayos ang peace and order sa lungsod.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph