ISINAILALIM sa full-alert status ang Central Luzon police simula noong Miyerkules dahil sa inaasahan pagdaan ng super typhoon “Ompong.”

Ang ibig sabihin nito walang miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang mag-off duty simula Wednesday hanggang matapos o lumabas ng bansa si Ompong.

Ito na raw ang pinakamalakas na bagyong mararanasan nitong buwan halos magkasinglakas ng dumaan na bagyong Yolanda na kung saan maraming ari-arian ang sinira at nagkaroon din ng casualties.b

Kaya naman upang di na maulit ang nangyari noon kay Yolanda, paparating o papasok pa lamang sa bansa ang bagyong Ompong na sa “preparation” period ang lahat ng ahensya maging ang PNP.

Lunes pa lamang pinaalalahanan o pinapayuhan ng Pamahalaan ang mga kababayan na nasa low-lowying areas na lumikas sa kanilang lugar o iyong mga residenteng tumbok ng bagyong Ompong.

Si Chief Superintendent Amador Corpus, Police Regional Office-3 (PRO3) director, nagsagawa ng pagpupulong ukol sa preparasyon ng PNP sa paparating super typhoon.

Halos simula Lunes hanggang nitong Huwebes, tuloy tuloy ang pagpupulong ng PRO3 at ibang ahensya kagaya ng Office of Civil Defense, Department of Social Welfare, Local Government Unit’s (LGUs) at iba pang concern agencies sa kanilang preparasyon.

At noong Miyerkules ng umaga isinailalim ang buong Central Luzon police sa Full-Alert status.

Nagsagawa din ng “counting of personnel” sa PRO3 headquarters noong Miyerkules.

Sang-ayon kay Corpus handa ang Central Luzon police sa paparating na bagyong Ompong.

Lahat ng Provincial at City police offices sa rehiyon ay handa na sa paparating bagyong Ompong......