MAG-IISANG taon na rin nang maimbestiga ang P800,000 incentive for summary hearing officers na di-umano missing?
Kung hindi lamang nalaman ng mga summary hearing officers na mayroon ganoon pondo sa kanila di pa rin maiimbestiga ang nawawalang P800,000.
Ang nasabing pondo ay para sa mga dumadalong pulis na may kasong dinadaluhan sa mga korte.
Ang malimit na kasong ina-attend ng mga police officer ay sa kasong illegal drugs na dapat tutukan ito.
Ang mga kaso sa illegal drug ay nadi-dismiss dahil sa hindi pag-attend ng mga police officers na humarap sa mga kaso sa korte.
Kasi madalas nito, walang binibigay na allowance sa kanila (pulis) upang dumalo sa kaso sa drugs kaya naman karamihan sa mga kinakasuhan na drug suspek ay nadi-dismiss.
Regular na nire-release ang nasabing pondo para sa summary hearing officers upang magkaroon ang pulis na allowance for their hearing sa mga drugs cases.
Sang-ayon sa intelligence officer (IO) ng Dateline, naibigay sa isang senior police officer ang nasabing pondo noong nasa ibang tanggapan pa siya.
At ngayon, kasalukuyan ang nasabing senior police officer ay nasa magandang puwesto, ayon sa IO.
Sang-ayon sa IO, dahil iniimbestigahan na ang di-umano nawawalang P800,000, kanya nitong ibinigay na sa mga summary hearing officer.
Kung hindi lang iniimbestigahan ng PNP higher up ang nasabing pondo ay hindi nito ilalabas? Nagtatanong lang po...
At kung walang imbestigasyon, hindi siguro ibibigay sa mga karapat dapat na P800,000.
Sino kaya ang nasabing senior police officer? Nagtatanong lang po...
September 18, 2018
- A
A +
View Comments
Disclaimer
SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not
necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to
delete, reproduce, or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will
automatically be deleted.
Forum Rules
Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the
discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!