NGAYONG Pebrero ay may tatlong malalaking dahilan kung bakit magdiriwang ang PhilHealth.

Una ay ang pagsapit ng ika-15 taong anibersaryo namin mula nang lagdaan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos nuong Pebrero 14, 1995 ang Republic Act 7875 (as amended) na nagtadhana sa National Health Insurance Program o NHIP para pangalagaan ang kalusugan ng lahat ng Pilipino sa pamamagitan ng segurong pangkalusugan.

For updates from around the country, follow Sun.Star on Twitter

Ikalawa ay ang pagdiriwang ng Pebrero bilang National Health Insurance Month sa bisa ng Proclamation 1400 ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Sa ilalim ng proklamasyong ito ay ipagdiriwang ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan at sektor ng lipunan ang kahalagahan ng health insurance tuwing sasapit ang Pebrero ng bawat taon.

Ang ikatlo ang masasabi kong pinakamalaki at ang magiging pinakamakasaysayan sa lahat ng pagdiriwang na ginawa natin sa nakaraang 15 taon. Sa pagsapit ng taong 2010 ay buong pagmamalaki kong ibinabalita sa lahat ng Pilipino sa buong kapuluan, kasama na ang mga kababayan nating nasa ibayong dagat, na naabot na ng inyong PhilHealth ang ipinagagawa sa amin ng sambayanan sa pamamagitan ng batas na lumikha sa NHIP at PhilHealth.

Nakamtan na natin ang universal coverage na siyang pinakamalaking hamon sa amin bilang ahensiyang nangangasiwa ng pinakamalaking programa sa segurong pangkalusugan sa bansa. Sa pamamagitan ng universal coverage ay naisiguro na natin na abot-kamay na ng mas nakararaming Pilipino ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan lalo na sa hanay ng mahihirap nating kababayan. Sa universal coverage ay 81 milyong Pilipino na ang may PhilHealth coverage!

Kaya sa Pebrero 12, sa isang malaking pagtitipon sa PICC ay minabuti naming parangalan ang mga sumusunod naming partners na tumulong sa ami nang malaki para maisakatuparan ang atas na ito sa amin ng batas na bigyang kaseguruhan ang kalusugan ng lahat ng Pilipino:

Universally-covered Local Government Units. Provinces: Agusan del Norte; Agusan del Sur; Aklan; Albay; Antique; Aurora; Bataan; Batanes; Batangas; Benguet; Biliran; Bohol; Bulacan; Bukidnon; Cagayan; Camarines Norte; Camiguin; Capiz; Catanduanes; Cebu; Davao del Norte; Dinagat Islands; Eastern Samar; Guimaras; Ifugao; Ilocos Norte; Ilocos Sur; Iloilo; Isabela; Kalinga; Laguna; Lanao del Norte; Lanao del Sur; La Union; Leyte; Misamis Occidental; Misamis Oriental; Mountain Province; Negros Occidental; North Cotabato; Northern Samar; Nueva Vizcaya; Oriental Mindoro; Pampanga; Pangasinan; Quirino; Romblon; Sarangani; Siquijor; Southern Leyte; Surigao del Norte; Surigao del Sur; Tarlac; Zambales; Zamboanga del Norte; Zamboanga del Sur; Zamboanga Sibugay.

Component cities: Dagupan City; Balanga City; City of San Fernando (Pampanga); Sta. Rosa City; Tarlac City. Independent city: Santiago City. Highly urbanized cities: Angeles City; Bacolod City; Butuan City; City of Manila; Cagayan de Oro City; Iligan City; Iloilo City; Lapu-lapu City; Lucena City; Makati City; Mandaue City; Marikina City; Navotas City; Olongapo City; Pasay City; Pasig City; Puerto Princesa City; Quezon City; San Juan City; Tacloban City; Taguig City; Valenzuela City; Zamboanga City. Special municipality: Pateros.

Hospitals: Notre Dame Chartres Hospital; Nazareth General Hospital; Dupax District Hospital; Sto. Nino Hospital; Our Lady of Caysasay Medical Center; Batangas Health Care Specialist; Golden Gate Hospital; Tugon Medical Clinic and Hospital; Bogo-Medellin Medical Center; Divine Word Hospital; Cagayan de Oro Medical Center; Malaybalay Medical Hospital; St. Elizabeth Hospital, Inc.; Wao District Hospital. 3-in-1 Providers (OPB/MCP/DOTS): Tayabas Rural Health Unit at Dumalag Rural Health Unit. Maternity Care Package Providers: Olivia E. Vergara Birthing Home at Elma Boluso WFMC. DOTS Provider: De La Salle University Public Private Mixed DOTS Clinic at St. Anthony Hospital – PPMD DOTS.

Private sector employers. Extra Large Category: Banco de Oro Unibank, Inc. at Tagum Agricultural Development Company, Inc. Large Category: Notre Dame University – Cotabato City at Agusan del Norte Electric Cooperative, Inc. Medium Category: Nueva Vizcaya Alay Kapwa Multi-purpose Cooperative at Sultan Kudarat Electric Cooperative. Small Category: TT and Company at Eastern Luzon Colleges. Micro Category: United General Merchandise at St. Jerome’s Parish Credit Cooperative, Inc.

Government sector employers. Extra Large Category: Philippine Amusement and Gaming Corporation at Philippine Coast Guard – DOTC. Large Category: Cotabato Regional Medical Center at Region I Medical Center. Medium Category: Dasmariñas Water District at Municipality of Wao. Small Category: Speaker Eugenio Perez National High School at Municipal Government of Gamu. Micro Category: Land Bank of the Philippines Sindangan Branch

Accredited collecting agents. Universal Bank Category: United Coconut Planters Bank. Commercial and Thrift Bank Category: RCBC Savings Bank. Rural Bank Category: Bangko Kabayan. Non-bank Agent Category: iRemit.

Higit kaninuman, kami ay nagpapasalamat sa inyo mga miyembro ng PhilHealth na walang sawang naniwala, sumuporta at tumulong para ang PhilHealth ay manatiling pinakamalaki, pinakamalwak at pinakamatatag na segurong pangkalusugan sa susunod pang 15 taon.

Sa inyong lahat… mabuhay po kayo at maligayang ika-15 taon ng makabuluhang segurong pangkalsugan sa lahat ng Pilipino!