Sapnu: E-trike, pedicabs at MTs no action si EdSa?

SA MGA naglipanang mga E-trike, pedicab at motorized tricycles (MTs) sa kahabaan ng national highway sa City of San Fernando “no action” si City Mayor Edwin Santiago?

Hindi na yata mapigilan ang mga pagdami ng mga E-trike, pedicab at MT sa lungsod na kung saan ginagawa nilang pamasada ang mga ito.

Kung tutuusin ay bawal ang mga naturang sasakyan na bumagtas sa kahabaan ng MacArthur Highway at Jose Abad Santos Avenue (Jasa).

Ang masama nito, ang tatlong nabanggit na sasakyan ay wala ng humpay sa pagdaan sa pangunahing kalsada.

Ang masaklap nito, walang mga driver license at mga drayber ng E-Trike at pedicab at lalo na wala silang kaalaman sa batas trapiko. Mayron pa mga bata drayber ng E-trike at pedicab na.

Sa malimit na pagpunta ng inyong lingkod sa Camp Olivas, naobserbahan natin na marami ng E-trike na pumapasada at ginagamit ang MacArthur Highway.

Maraming nakaposteng traffic enforcers sa kahabaan ng national highway at nakikita ng mga ito E-trike ng Racal pumapasada nguni’t ni isa kanila walang sumisita. Bakit kaya?

Dapat siguro i-seminar ang mga traffic enforcer kung alin o ano klaseng behikulo na dapat ipagbawal dumaan sa national highway. Di ba nila alam na bawal na bawal ang E-trike at pedicab at lalo na MT na bumiyahe sa MacArthur highway? Nagtatanong lang po...

Ano kaya ang dahilan nila kung bakit di nila sinisita ang tatlong saksayan?

Ano ba ang aksyon ng masasabi ng “head” ng Public Order and Safety Coordinating Office na si retired Senior Superintendent Danilo Bautista? Nagtatanong lang po...

Ang mga Fernandino/Fernandina ay naaasar na sa mga naglipanang E-trike, pedicab at MT naglipana sa lungsod.

Hihintayin po ba natin may maaksidente sa kanila bago kayo gumawa ng aksyon.

Naghihintay po ng kababayan natin sa akyon ninyo Mayor EdSa...

*****

Binabati ng Dateline si Chief Superintendent Amador “Dong” Corpus, Police Regional Office III (PRO)-Central Luzon director sa kanyang kaarawan noong Miyerkules, October 3.

Maraming inihandang aktibidates ang mga staff officer sa kaarawan ni Corpus kabilang na ang Rider’s Challenge at basketball competition.

Nagkaroon din ng boodle fight sa araw ng kanyang kaarawan.

Si Superintendent Jean Fajardo, officer-in-charge ng Regional Intelligence Division (RID) ay na-promote bilang Senior Superintendent noong nakaraang dalawang linggo.

Mayroon nga bulungan na siya (Fajardo) (PNPA Class 96) ang maaaring papalit kay Senior Superintendent Nicolas Salvador ng Pampanga police acting provincial director.

Samantala, noong Lunes si Senior Superintendent Rhoderick Armamento ang itinalagang bagong Chief Directorate Staff (CDS) ng PNP National Headquarters.

Si armamento ay galing sa PRO4-A bago ito natalaga sa CDS at na-assigned na rin siya sa Nueva Ecija provincial police office.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph