Gacad: Depresyon

PAANO ako lalaban?

Ang sakit! Ang lungkot! Napakadilim!

Bakit nga ba kailangan natin maranasan ito?

Sa magkakaibang dahilan pero sa magkakatulad na pakiramdam!

'Yung lahat ng emosyon mo sabay-sabay na umaatake sa buong pagkatao mo! 'Yung tipong isang bundok na 'yung nakadagan sa dibdib mo sa sobrang bigat! Ang hirap 'yung hindi ka makalaban! 'Yung wala kang magawa kundi tumulala!

Marami kang maririnig na kapit lang, laban lang, kaya mo 'yan, matapang ka, malakas ka, malalampasan mo 'yan, andito lang kami para sa iyo! Sa mga salitang ganyan, medyo nahihimasmasan ka at minsan akala mo okay ka na. Pero sa isang saglit, babalik 'yung sakit. Babalik 'yung lungkot. Babalik 'yung pakiramdam na ayaw mo na, hindi ko na kaya, wala na, suko na talaga ako!

Pero sa isang banda, habang nakatulala ka, mayroong isang sisingit na liwanag na napakaliit. Isang napakaliit na liwanag na kapag pinagtuunan mo ng pansin ay lalaki ng lalaki at, biglang sa kawalan, parang may magbubulong sa iyo na, "hindi ka bibigyan ng isang pagsubok ng PANGINOONG DIYOS kung hindi mo makakayanan!"

At sa mumunting liwanag na nakita mo doon, magsisimula ang pag-asa mo! Pag-asa sa muling pagbuo sa nadurog na pagkatao mo! Dito ka kukuha ng lakas, dito ka lalaban at dito hinding-hindi ka na matatalo! Dahil 'yung mumunting liwanag na nagpakita sa iyo ngayon ay isang napakalaking dahilan upang mabuhay ka!

Kapit lang. Mahal tayo ng Panginoong Diyos! Kailangan nya lang tayong patatagin. At habang pinatatatag nya tayo, kasabay 'nun ay ang pagyakap nya sa atin ng mahigpit at sinasabi nya na kaya mo yan anak! Mahal kita!

(Ang liham na ito ay likha at pinadala nila Lanie at Zheamus ng Barangay Isla, Cabanatuan City)

"Self-pity gets you nowhere. One must have the adventurous daring to accept oneself as a bundle of possibilities and undertake the most interesting game in the world: making the most of one’s best.” ~ Harry Emerson Fosdick

“Do not let what you cannot do interfere with what you can do.” ~ John Wooden

“Although the world is full of suffering, it is also full of the overcoming of it.” ~Hel en Keller

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph