Sapnu: Sino kaya ang susunod na PRO-3 RD?

USAP-USAPAN na sa Camp Olivas ang paglipat ni Chief Superintendent Amador Corpus, Police Regional Office III (PRO-3) director.

Sang-ayon sa mga police officer, maaaring malipat si Corpus sa PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame, Quezon City.

Napag-alaman na hanggang sa October 16 na lamang si Corpus at siya ay malilipat sa CIDG na kung saan ang kasalukuyang nakaupo ay magre-retiro na rin.

Matagal na rin hinahangad ni PRO3-RD ang nasabing puwesto upang masungkit nito ang ikalawang STAR niya.

Nagsabi na raw si Corpus sa mga senior police officer na matutuloy na ang kanyang paglipat sa CIDG.

Sang-ayon sa police officers, kaya naman marami na daw ang contender sa puwesto ni Corpus.

Umaabot na raw sa 9 na chief superintendents ang naghahangad na maupo bilang PRO-3 director.

Sa pagkaalam ng Dateline, apat ang medyo matunog na maaaring pumalit sa puwesto ni Corpus.

Ang mga ito ay sina Chief Superintendent Joel Ordona (PMA ’88), Ismael Ebrahim Dickson (PMA ’87), James Coronel (PMA ’87) at Benjamin Hulipas (PMA ’85).

Kung sa seniority lamang si Hulipas nguni’t na kay Chief PNP Oscar Albayalde ang desisyon.

Sang-ayon sa police officers, si Ordona ay malapit din kay Albayalde dahil nakasama nito matagal sa Pampanga.

Hanggang sinusulat ang kolum na ito, wala pa rin balita kung sino sa 9 na chief superintendents.

Sino kaya ang pinaka-swerteng susunod na PRO-3 RD? Nagtatanong lang po...

Maraming chief superintendents ang naghahangad maging PRO-3 RD. Bakit kaya? Ano ba mayroon sa PRO-3? Nagtatanong lang po...

***

Babala: Mag-ingat sa nangguguhit ng mga behikulo sa loob ng Camp Olivas.

Mayroon na raw limang behikulo ang naguhitan simula noong nakaraang linggo.

Sino kaya ang nangguguhit at sino naman kaya ang nag-uutos nito? Nagtatanong lang po ang naging biktima nito.

Dapat siguro pa imbestigahan ni PRO-3 director ang nasabing insidente dahil nakaka-alarma ito.

Related Stories

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph