Sapnu: Pina-igting na checkpoints

ALINSUNOD sa filing of certificate of candidacy (COC), ipinag-utos ni Chief Superintendent Amador Corpus, Police Regional Office (PRO) director ang pagtatayo ng mga checkpoint sa Central Luzon.

Kaya naman simula noong Lunes (October 8), marami ng mga PNP checkpoint ang makikita natin sa iba’t-ibang lugar sa rehiyon na itinayo ng provincial at city police offices.

Karamihan nito nagsasagawa ng checkpoint ang mga PNP sa gabi dahil dito dumadaan o nag-ooperate ang lawless elements, ayon kay Corpus.

Lahat ng mga dumadaan riding-in-tandem ang sinisita ng PNP sa mga checkpoint.

Walang pinalalampas na mga riding-in-tandem ang PNP lalo na iyong mga walang plate number na motorcycles.

Kung minsan ang iyong iba ay kanilang ini-impound ang motorcycle kapag walang sapat na dokumento maipakita ang mga rider.

Maging iyong mga rider na walang lisensya ay kanilang hinuhuli, ayon sa report.

At simula noong Miyerkules, (October 10) na kung saan nagsimula ang filing of COC, lalong pina-igting ng PRO-Central Luzon authorities ang checkpoint sa mga strategic area maging sa pangunahing lansangan.

Hindi na rin mabilang ang naimpound na motorcycles at naarestong rider dahil wala silang kaukulang dokumento.

Kaya lang kung minsan kapag nakikita ng mga riding-in-tandem na may checkpoint ang ginagawa nila ay babalik ang mga ito.

Ang dapat gawin ng mga nagsasagawa checkpoint ng PNP, mayroon silang nakasibilyan na nakapuwesto bago sa lugar ng checkpoint upang mahuli ang mga riding-in–tandem.

Sang-ayon kay Corpus, kanilang ipagpagtuloy ang checkpoint upang matiyak na kaligtasan ng mga residente ng Central Luzon.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph