Sangil: Rogelio de la Rosa deserves recognition

AT THIS early, I am trying to bring to the attention of many, particularly to two audiences-to the Capampangans and people in showbiz industry. And this is about the late Rogelio de la Rosa, the matinee idol of Philippine movies before and after World War 2. Below is what I wrote some five years ago, yet still the recognition that he deserves is yet to come. Here’s a snapshot of his life, an article I wrote in Filipino.

Si Rogelio De La Rosa ay isinilang noong Nobyembre 12,1916 sa bayan ng Lubao. At siya'y sumakabilang buhay noong Nobyembre 10,1986. Ang tunay niyang pangalan ay Regidor, at ang Rogelio ay ang kaniyang screen name. Siya'y contract star ng Sampaguita Pictures na pagmamay-ari ng mga Vera-Perezes. Tinagurian siyang 'King of Philippine Movies'.

Lumabas siya bilang bida sa mga pelikulang, Ang Tangi Kong Pag-ibig, Jovita, Higit sa Lahat,Bituing Marikit at marami pang iba na bukod na tumabo ng kita sa takilya ay mga nagkamit ng maraming parangal.

Isa pelikulang nilabasan niya na katambal si Lolita Rodriguez ay pelikulang Jack and Jill na nagbigay ng pagkakataon na mapansin ng publiko si Dolphy, na noong bandang huli siya naman ay tinanghal na ' King of Philippine Comedy'.

Bago pa pumasok sa pelikula si Rogelio De La Rosa, siya'y nasama rin sa mga zarsuelang Kapampangan na karaniwan na noong naunang panahon ay itinatanghal sa mga pyestang bayan. Papel ng kontrabida ang karaniwang papel na ginampanan niya, at ang papel bida ay ginagampanan ni Diosdado P. Macapagal, na kaniyang bayaw at kababayan.

Ang asawa ni Macapagal ay si Purita na kapatid ni Rogelio.(namatay si Purita noong panahon ng gyera at si Macapagal ay nag-asawa muli sa isang taga Pangasinan kay Dra Eva Macaraeg.) At si Lota Delgado na screen partner niya ang kaniyang naging kabiyak ni Rogelio.

Si De La Rosa ang siyang kauna-unahang artista ng pinilakang tabing na naging senador. Pagkatapos ng kaniyang paglilingkod sa senado, siya ay naging ambassador sa The Netherlands at Cambodia.

Sinubukan niyang muling magbalik sa pulitika noong 1984, at kumandidato bilang assemblyman, subali't siya'y hindi pinalad. Pagkatapos niyaon, hindi na muli pa siyang nakita ng publiko, hanggang siya'y bawian ng buhay.

Nararapat lang na siya ay bigyan ng parangal, o nitong parating na Manila Film Festival ang isang taong katulad ni Rogelio De La Rosa na nagbigay ng karangalan sa lalawigan.

TIDBITS: It will be a three cornered fight in the Angeles City vice mayoral race. Councilor Edu Pamintuan will face former Councilor Maricel ‘Marang’ Morales and former Vice Mayor Vicky Cabigting. In the City of San Fernando Councilor Angie Hizon is given a high rating and is believed to give the incumbent a run for his money... San Simon Mayor is finishing her last and final term. She is running for vice mayor and in tandem with the come backing former Mayor Digos Canlas.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph