Sapnu: Police stations ng CSF at Guagua seryoso sa kampanya sa illegal drugs

SIMULA nang maupo sina Superintendent Levi Hope Basilio, hepe ng City of San Fernando Police at Superintendent Manny Calma, hepe ng Guagua ang maraming accomplishments sa kampanya laban sa illegal drugs.

Kada araw isa hanggang tatlong drug personalities ang kanilang nahuhuli ng dalawang police station.

Hindi kagaya ng kanilang napalitan noon, sina Basilio at Calma ang may "big accomplishments" sa illegal drugs.

Maging sa iba pang crime activities, sila ang nangunguna sa accomplishments, batay sa kanilang police report.

Sa report ni Basilio, bukod sa kanilang nahuhuling drug suspects mayroon din ang napapatay kapag ang mga ito ay lumaban sa Special Drug Enforcement Unit.

Sa patuloy na masigasig kampanya nina Basilio at Calma laban sa illegal drugs, ang kanilang kulangan ay mukhang napupuno na, ayon sa police report.

Kaya naman maging ang robbery/hold-up incidents sa kanilang area of responsibility ay naibsan na rin.

Sa kanilang seryosong kampanya laban sa illegal drugs, ang kanilang nasasakupan ay naging tahimik at maayos.

Sina Basilio at Calma ay kapwa sila sabay umupo bilang hepe ng dalawang police stations.

Ipagpatuloy lang ninyo dalawa ang inyong nasimulan kampanya laban sa illegal drugs at tiyak na magiging peace and order ang inyong area of jurisdiction.

Congrats sa inyo dalawang hepe...

***

Generally peaceful and orderly ang filing of COC

Ipinagmalaki ni Chief Superintendent Amador Corpus, Police Regional Office (PRO)-Central Luzon naging Peace and Order ang unang araw ng filing of Certificate of Candidacy.

Matatandaan umaabot sa 5,000 PNP personnel ang ideploy ni Corpus upang makatiyak lamang siya na maging maayos at tahimik ang unang araw ng filing of COC ng mga politiko sa Gitnang Luzon.

Sang-ayon kay Corpus, hanggang sa deadline ng filing of COC ay nanatiling naka-deploy ang naturang bilang ng PNP personnel.

Ang mga ito ay nanggaling sa iba't ibang provincial at city police offices, ayon pa kay PRO-3 director.

Sa mga nakatayong PNP Comelec Checkpoint ay mayroon din nahuhuling criminal. Kaya naman naging epektibo ang mg checkpoint, ayon pa kay Corpus.

Sir General Corpus, congrats sa general peace and order...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph