Olivas: LGUs wala ng ‘say’ sa pagpili ng kanilang PDs/CDs?

ANG dami ng naupong mga police provincial at city director sa Central Luzon na hindi umano dumaan sa tamang proseso.

Ito ang napag-alaman ng intelligence officer (IO) ng Dateline, na kung saan wala na raw sinusumiteng “short list” ng mga Senior Superintendent sa mga gobernador o alkalde.

Karamihan umano sa mga naupong bagong PD at CD ay galing ng National Headquarters Camp Crame.

Di man lang binigyan ng short list ang mga gobernador o alkalde na makapamili kung sino ang gusto nilang maging PD o CD, ayon pa sa IO.

Sa tagal ng Inyong lingkod nagkokober sa Police Regional Office III (PRO-3), ang ginagawa ng PRO-3 authorities ay nagsusumite muna ng tatlong senior superintendent para makapamili ang LGUs na ibig nilang maging PD o CD.

Subalit ngayon, hindi na ginagawa ng PRO-Central Luzon o Camp Crame ang pagsumite ng short list sa mga gobernador o alkalde makapamili.

Noon nga, kapag walang gusto ang isang gobernador sa short list, magre-request ito na kung maaari magbigay ng iba pang listahan.

At noon din ay dumadaan sa Senior Police Placement Board ng Camp Crame ang mga senior superintendent.

Kagaya ngayon, ilang mga PD at CD ang nakaupo hindi dumaan sa tamang proseso na kung saan kailangan muna dumaan ang short list sa LGUs.

Ang mga ito ay mayroon dalang “order” mula sa National Headquarters sa Camp Crame para maupo bilang acting PD at acting CD.

Ang bagong upong PD ng Zambales police ay si Senior Superintendent Felix Verbo, Senior Superintendent Leon Victor Rosete at ang nakatakdang maging CD ng Olongapo nakilalang si Sembrano.

Wala na ba “say” ang LGUs sa pagpili ng maging PD o CD nila? Nagtatanong lang po...

Bakit di naman gumawa ng resolusyon ang LGUs ukol dito? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph