Sapnu: Babala sa mga pulis: ‘No Texting’

ISANG miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang nahuli ni Chief Superintendent Amador Corpus, Police Regional Office III (PRO-3) director na “texting” habang nasa duty.

Ito’y nangyari noong October 31, sa Total Gas Station sa Barangay Sucad, Apalit, Pampanga sa loob ng North Luzon Expressway.

Sa gabi ng Miyerkules (October 31), nag-inspeksyon si Corpus sa mga naka duty na ideploy na 6,000 PNP personnel bago mag Undas.

Sa kanyang pag-inspeksyon nakita ni RD si PO1 Jojo Gutierrez, 25, nakatalaga sa 2nd Pampanga Mobile Force Company (PMFC) na mag “texting” habang naka-duty ito.

Si Gutierrez ay miyembro ng Quick Response Team ng PMFC night shift sa kahabaan ng NLEx sa Total Gas Station na naka-duty noon nang mahuli ni Corpus.

Huling huli ni RD si Gutierrez na hawak ng kanyang cellphone and “texting” habang naka-duty.

Sinermunan umano ni Corpus at pinasabihan si Gutierrez na bawal na bawal ang “texting” habang naka-duty.

Hindi pa malaman kung ano pa ang naging aksyon ni RD sa nasabing pulis.

Sang-ayon sa IO ng Dateline, bukod sa sermon, ipinatapon umano ni Corpus si Gutierrez sa kanyang ginawang paglabag.

Sang-ayon kay Corpus, ito’y malinaw na violation of Chief PNP directives ang “texting” while on duty.

Mga pulis na “texting” while on duty, ingat kayo baka kayo ang susunod na ipapatapon sa Aurora police o sa ibang police regional office.

LTO-Central Luzon licensing umaksyon?

Isang masusing imbestigasyon ang ginagawa ng Land Transportation Office III (LTO-Central Luzon) Driver’s Licensing Section.

Ito’y matapos nasulat ng inyong lingkod ang patuloy operasyon ng mga fixers sa nasabing tanggapan sa Capitol Compound.

Pagkatapos mabasa ang kolum, kaagad nagsagawa ng sariling imbestigasyon si Edwin Rosales, chief ng LTO-Central Luzon Driver’s Licensing Section.

Napag-alaman nang maupo si Rosales sa kanyang puwesto, nandyan na ang mga fixers at hindi na ito masawata.

Sa dami ng mga fixers iyong iba hindi mo ito masawata, ayon sa IO.

Sang-ayon sa IO, mukhang malaking grupo na ito na hindi mabuwag kaya patuloy ang mga ito sa kanilang illegal operation.

Sang-ayon kay Rosales, nang maupo ito sa LTO-3 Driver’s Licensing Section sinimulan nito ang paglinis sa hanay ng kanyang tanggapan.

Marami itong tauhan na inilipat na lamang nang ibang tanggapan ng LTO.

Hanggang ngayon kanyang nililinis ang kanyang tanggapan.

Ayon sa kanya, sa loob ng compound ng LTO Central Luzon ay wala nang makakapasok na mga fixers.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph