Sapnu: Basag-Kotse gang strikes again in Pampanga

ISA na namang police officer ang naging biktima ng Basag-Kotse gang nitong nakaraang linggo.

Ipinarada ni Chief Inspector Neil Rainer Mercado, residente ng Barangay Bundagul, Mabalacat City ang kanyang Toyota Fortuner sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Barangay San Francisco ng nasabing lungsod.

Umatend ng worship service si Mercado kasama ang kanyang asawa at anak na babae nang dakong 6 p.m. at kanyang iniwan ang SUV sa nabanggit na lugar.

Pagbalik niya, nagulat ito nang makita niya ang kanang passenger window ng kanyang SUV ay basag na.

Kaagad nitong tinignan ang kanyang sling bag at wala na ito.

Ang laman ng nasabing sling bag ay kinabibilangan nang kanyang issued firearm Glock 17 pistol, isang Asus Zenphone Max 3, USG 32gb, at Apple Touch pad 32 gb.

Mabuti na lamang walang cash sa nasabing sling bag.

Kaagad nitong inireport sa Mabalacat Police station ang naturang insidente.

Nag-request naman ang pulisya sa mga katabing establistamento na mayroon CCTV para matukoy ang mga suspek.

Matatandaan, noong nakaraang buwan tatlo sa Aurora ang naging biktima ng nabanggit na grupo.

At noong nakaraang taon, dalawang police officers ang naging biktima din ng Basag-Kotse gang at isa naman sa City of San Fernando.

Ayon sa police report, nitong weekend, dalawang behikulo sa Nueva Ecija ang naging biktima ng grupo.

Kaya pinapayuhan ni Senior Superintendent Ronald Llanera, Deputy Regional Director for Operation ang mga PNP personnel na huwag mag-iwan ng mahahalagang bagay sa kanilang sasakyan lalo na iyong kanilang issued firearm.

Pinag-iingaat ni Llanera ang mga motorists na huwag na huwag mag-iiwan ng mahahalang bagay sa loob ng kanilang sasakyan.

Ano na kaya ang magiging aksyon ng Police Regional Office-3 sa mga insidente ng Basag-Kotse? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph