Sapnu: Coronel next PRO3 RD?

MATATANDAAN nasulat na rin ng inyong lingkod ang mga kandidato na magiging next regional director ng Police Regional Office (PRO)-Central Luzon.

Sa unang short list ng mga chief superintendent, kabilang sina Joel Coronel, Ismael Ebrahim Dickson, Joel Ordona at Benjamin Hulipas.

Sine Coronel at Dickson kapwa miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ’87, samantalang si Ordona ay Class ’88 at pinaka-senior sa kanila si Hulipas ng class ’85.

Kung susundin ang policy ng seniority sa pag-upo sa mga sensitive position, siyempre prioridad si Hulipas. Ngunit may anim o pitong buwan na lamang siya para mag-retiro.

Kaya naman sina Coronel at Dickson ang matinding kandidato next RD ng PRO-3, ayon sa mga police officers nakausap ng Dateline.

Matatandaang si Coronel ay matagal ng kandidato maging RD ng PRO-Central Luzon bago pa si Chief Superintendent Amador Corpus. Hindi nakuha ni Coronel noon dahil sa seniority. Si Corpus ay Class ’86 at mistah ni Chief PNP Director General Oscar Albayalde at ni dating Chief PNP director General Ronald dela Rosa.

At sa pangalawa pagkakataon kasama na naman si Coronel sa short list kaya naman siya umano ang matunog na papalit kay Corpus.

Naging matunog din si Dickson noong una usap-usapan sa National Headquarters sa Camp Crame.

Subali’t sa mga nakausap ng Dateline mukhang “sure” na si Coronel ang papalit kay Corpus.

Noong Huwebes, balita na ang pag-upo ni Coronel at si Corpus naman ang next chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame.

Inaasahan sa Lunes, November 19, ang turnover sa CIDG samantalang sa Martes, November 20, sa PRO-Central Luzon na kung saan si Coronel ang magiging next RD.

Na-assigned na rin si Coronel sa Central Luzon na kung saan siya ang naging officer-in-charge ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU)-Central Luzon noong 2001.

Naupo siya ng OIC Marso 11, 2001 hanggang Mayo 12, 2001, tatlong buwan lamang siya noon.

Si Coronel ay Kapampangan.

Abangan po natin kung siya ang magiging next RD kasi sabi nga ng mga police officers hangga’t hindi pa nakaka-upo di pa natin masasabi na siya na.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph