Sapnu: Pagbalasa sa mga PDs/CDs inaasahan?

TUWING bago ang nauupong director ng Police Regional Office (PRO)-Central Luzon, inaasahan na ang pagbalasa sa mga provincial at city police director.

Sang-ayon sa intelligence officer (IO) ng Dateline, sa isinagawang Command Conference noong nakaraang Martes, ipinahayag ni Chief Superintendent Joel “Jigs” Coronel, acting PRO-Central Luzon director ang gagawin nitong pagbalasa sa mga PDs at CDs.

Sang-ayon pa sa IO, siyempre kanya muna nitong pag-aralan ang mga “accomplishment” o “performance” ng bawat PD at CD.

Kapag ito’y naaayon sa kanyang (regional director) “policy” walang dapat ikabahala ang isang PD o CD, ayon sa IO.

Sa kasalukuyan binubusisi mabuti ni Coronel kung sino ang dapat maapektuhan sa kanyang gagawin pagbalasa, ayon pa sa IO.

Kaya naman ilan sa mga PD o CD ang naglalakad at naghahanap ng “padrino” upang manatili sa kanilang puwesto.

Sang-ayon sa IO, iyong iba pa nga lumalapit na sa mga politiko upang hindi sila maapektuhan sa gagawin pagbabalasa.

Sana huwag pakinggan ng bagong PRO-Central Luzon acting RD ang mga bulong ng mga politiko at iyong “performace” ng PD at CD ang gawin nitong batayan sa pag-relieved.

Sino sino kaya ang maaapektuhan gagawin pagbalasa ni Chief Superintendent Coronel? Nagtatanong lang po...

*****

Grabeng trapik sa Barangay Del Rosario at Sindalan

Hindi na yata malutas ang grabeng trapik nararanasan ng mga motorist sa kahabaan ng Ma Arthur highway sa Barangay Del Rosario at Sindalan.

Ang dahilan ng grabeng ay iyong traffic light sa dalawang nabanggit na barangay.

Ang grabeng trapik ay tuwing rush hour na kung saan ang “volume” ng mga behikulo ay dumarami dahil sa pagpasok at pag-uwi.

Sa dami ng motorisat dumadaan kapag rush hour nagiging grabe ang trapik sa Del Rosario kung minsan umaabot pa sa San Miguel complex sa Barangay San Agustin.

Dahil nagka-trapik sa Del Rosario susunod na rin ang Sindalan traffic light ang mararanasan grabeng trapik.

Dapat siguro, maglagay ng mga traffic enforcer kapag rush hour sa nabanggit dalawang traffic light.

Sana magawan ng agarang solusyon ang grabeng trapik?

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph