Sapnu: Isang PRO3 personnel maraming galit sa kanya?

NAKAKABAHALA na yata ang sitwasyon ng isang Police Regional Office III (PRO-3) personnel dahil marami ng umano’y galit sa kanya.

Ito ang napag-alaman ng Dateline na kung saan karamihan sa mga personnel ng PRO-3 naaasar sila umano sa ginagawa ng isang “personnel.”

Ang ikinagagalit ng mga personnel ay pinakikialaman umano ng nasabing isang “personnel” sa mga pag-detailing or “assignment” ng mga ibang personnel.

Ang tingin umano sa kanyang sarili siya ang general sa PRO-3 dahil kaya umano mag-re-assign ng mga personnel.

Kapag di raw ito sinusunod ang kanyang “utos” nagsusumbong kaagad sa Camp Crame na wala naman matinding kadahilanan kung bakit kailangan i-reassign sa ibang police offices ang ibig nitong palayasin sa PRO-3 headquarters.

Kasalukuyan ito ang usap-usapan sa PRO-3 headquarters dahil sa pakikialam umano ng isang PRO-3 personnel sa re-assignment.

Sa kanyang ginagawa marami ng naaasar o nagagalit na mga personnel sa mga ginagawa ng nasabing “personnel.”

Sabi nga nila hindi na nagbago ang nasabing “personnel” dahil nagkaroon na rin itong kinaharap na kaso.

Hindi naman inilahad ng mga personnel sa Dateline kung ano ang naging kaso nito.

Sabi nga nila (ibang PRO-3 personnel) kung hindi lang sa isang general e baka natanggal na sa serbisyo ang nasabing “personnel.”

Pinagtanggol umano siya ng isang general kaya nakalusot ito sa kanyang kaso.

Sa ngayon, mayroon ulit kinahaharap na kaso ang nasabing “personnel,” ayon sa kanila.

Abangan na lang po natin kung ano ang magiging kahihinatnan ang kinahaharap nitong kaso.

Mayroon pa kayang isang general ang magtatanggol sa kanya? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph