Sapnu: Inaasahang rigodon sa tatlong PDs

DAHIL bago ang Police Regional Office (PRO)-Central Luzon director, inaasahan na ang gagawin nitong pagbalasa.

Sang-ayon sa intelligence officer (IO) ng Dateline, maraming provincial directors (PDs) ang maaapektuhan sa gagawing rigodon ni PRO-Central Luzon director, Chief Superintendent Joel Napoleon Coronel.

Sa unang “wave” ng rigodon, tatlong police provincial directors ang maaaring ma-relieve o mapalitan, ayon sa IO.

Kabilang sa tatlong provincial directors na maaaring masibak o mapalitan ay ang mga police provincial office ng Pampanga, Nueva Ecija at Aurora.

Sang-ayon sa IO, tatlong kandidatong senior superintendents sa bawat short list ng nasabing police provincial offices.

Sa short list ng Pampanga police kabilang sina senior superintendents Nicolas Salvador (incumbent OIC), Renato Malonga at Randy Arceo (chief ng regional logistics research and development division).

Sa Aurora police, kabilang sa short list ay sina senior superintendents Cosme Abrenica (incumbent OIC), Jomil Trio at Tom Tuzon.

Samantalang sa Nueva Ecija, ang mga kandidato ay sina senior superintendents Leon Rosete, Dexter Rellora at Ramon Gamboa.

Napag-alaman ng Dateline, ang ibang senior superintendents kasama sa short list ay ni kasama ni Coronel nang dumating sa PRO-Central Luzon.

Ang mga “incumbent OIC” ay kabado na dahil mayroon na silang kalaban sa short list.

Tiyak na lamang ang mga senior superintendents na umano’y “bata” ni Coronel na mauupo sa mga nasabing police provincial offices, ayon sa IO.

Ang paglabas ng short list kandidato na maging police provincial director sa Pampanga, Nueva Ecija at Aurora ay nagsasabi lamang papalitan na ang mga OIC kahit na kabilang sila sa listahan? Bakit kaya? Nagtatanong lang po...

Bukod sa tatlong police provincial offices nabanggit inaasahan din ang paglalabas pa short list sa iba pang police offices.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph