Sapnu: Dalawang pulis nagbarilan dahil sa quarry?

NOONG nakaraang Sabado, dalawang pulis at dalawang sibilyan ang nabaril at namatay dahil lamang sa agawan sa quarry operation.

Ito ang tinitignang angulo ng Police Regional Office III (PRO-3) dahil ang isang napatay na pulis ay nakasakay sa isang HOWO dump truck.

Ang mga biktima ay sina SPO2 Jason Garcia, 45, nakatalaga sa Mabalacat City police; PO3 Vincent Lugtu, 40, miyembro ng Regional Intelligence Division; Clint Donald Lugtu, 33, at Renato Mercado, bystander, pawang residente ng Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac.

Sang-ayon sa imbestigasyon ng Tarlac police provincial office (TPPO),

Si SPO2 Garcia nakasakay sa dump truck minaneho ni Ronnie Lawanan, 52, ng Sta. Maria, Bulacan patungo sa Barangay Sta. Lucia nang harangin ni Clint Donal Lugtu sakay ng isang motorsiklo kasama ang back rider na si Randolf Munoz.

Ang naging aksyon ni Garcia ay siyempre bumaba siya sa dump truck upang kausapin ang humarang sa kanila at doon nag-umpisa ang kanilang alitan.

At doon dumating ang kapatid ni Clint Donald na si PO3 Lugtu sakay ng motorsiklo.

Sang-ayon sa report, itinulak umano ni PO3 Lugtu si Garcia at doon nagkaroon ng palitan ng putok na kung saan ang back rider ni PO3 Lugtu ay tinamaan din.

Sa pagkakataon ito, bumaba umano sa dump truck si Bernie Hernandez, drayber ng dump truck at binaril umano si PO3 Lugtu at Clint Donal.

Pagkatapos noong tumakas si Hernandez tangay ang baril ni Garcia at Lugtu.

Sa follow-up operation, nahuli si Hernandez sa kanyang tirahan sa Barangay Sta. Lucia.

Ang motibo sa nasabing shooting incident ay quarry operation umano?

Sa pag-upo ni Chief Superintendent Joel Coronel bilang acting regional director ng PRO-3, pinasalubong ito ng shooting incident ng dalawang pulis.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph