Olivas: Sino ba dapat maging head ng RMFB3?

SINO nga ba dapat maupo bilang Regional Mobile Force Battalion (RMFB3) head dahil ang nailagay na officer-in-charge (OIC) ay kailangan muna nitong patunayan na karapat-dapat ito sa nasabing posisyon.

Sang-ayon sa mga police officers nakausap ng Dateline, kanilang tunutuligsa ng pag-upo ng kasalukyang OIC dahil hindi daw siya dapat ilagay sa puwesto.

Siya ay inilagay na OIC ni dating Police Regional Office-Central Luzon Chief Superintendent Amador Corpus na kung saan siya ang bagong Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame.

Nagulat nga ang ibang police officers sa biglang pag-upo nito nang magretiro si Senior Superintendent Joselio Imperial.

Ang dahilan siguro walang kaagad maupo si Corpus noon kaya siya ang pansamantalang naging OIC ng RMFB3.

Kung sa ranggo wala “question” doon, ayon sa mga police officers.

Kaya lang ang wala nito ay combat competency training, ayon pa sa mga police officer.

Upang maupo ka bilang RMFB3, kinakailangan ang nasabing training, ayon sa mga police officers.

Sang-ayon nga nila, sa seniority mas senior sina Senior Superintendent Randy Arceo at Senior Superintendent Oscar Jacildo.

Sina Arceo at Jacildo kung tutuusin sila ang “most qualified” sa nasabing posisyon dahil sila may combat competency training.

Sana naman pag-aralan ni Chief Superintendent Joel Coronel, PRO-3 acting director ang pagkaka-upo sa kasaluyang OIC ng RMFB3 at dapat iyong qualified ang italaga.

Abangan po natin ang askyon gagawin ni Coronel kung iyong qualified ang kanyang itatalaga nitong head ng RMFB3.

Paging DPWH3...

Dumadaing na ang mga police officers sa Camp Olivas sa sirang kalsada patungo sa PRO-3 headquarters.

Mula sa rotonda ng Barangay Tagulod, City of San Fernando ang malalalim na butas ng kalsada hanggang sa gate ng Camp Olivas.

Halos nasisira na ang mga bolt joints ng kanilang behikulo dahil sa mga butas.

Sana naman daw aksyunan kaagad ng DPWH.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph