Sapnu: Basag Kotse gang tatlong behikulo ang tinarget

NITONG nakaraang Linggo, sabay sabay tinarget ng Basag Kotse gang ang tatlong behikulo sa Barangay Longaos, Pulilan, Bulacan.

Ang mga biktima ng nasabing insidente ay kinilala na sina Mark Gregor Dalangin at Katrina Shane Esmila, kapwa ng Barangay Tibag; at Romero Vacelona ng Inaon, Pulilan at Angelo Martin Asuncion ng Damput, pawang sa Pulilan.

Dakong 6 p.m. nang iparada ng mga biktima ang kanilang sasakyan sa kahabaan ng DRT highway sa Barangay Longos at pumasok sa I-Fit gym upang makipag Christmas party.

Wala umanong nagbabantay sa kanilang behikulo, ayon sa report.

Nang bumalik na sila sa kanilang mga behikulo, laking gulat nila ang kanan bintana ay pawang mga basag na.

Natangay ng mga suspek ang iba’t ibang gadgets, ID cards, laptop, cellphone, external drives, signature bags, P40,000 cash, caliber .40 glock 23 at marami pang mahahalagang kagamitan.

Kaagad naman nagsagawa ng follow-up operation ang Pulilan Police nguni’t di na inabutan ang mga suspek.

Kung inyong matatandaan, karamihan sa mga insidente ng Basag Kotse ay nangyayari sa Pampanga at Angeles City.

Lumawak ang operasyon ng Basag Kotse gang dahil mayroon na rin narereport na mga naging biktima sa Aurora, Nueva Ecija, Tarlac at ngayon sa Bulacan.

Sabay sabay binasag ng mga suspek ang tatlong behikulo sa Bulacan.

Noong nakaraang taon, pitong behikulo ang tinarget ng Basag Kotse gang sa isang mall sa Pampanga.

Kaya naman pinag-iingat ni Chief Superintendent Joel Coronel ang mga may-ari ng behikulo na huwag mag-iwan ng mahahalagang gamit lalo na ngayon papalapit na ang Pasko inaasahan ang paglipana ng mga kawatan.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph