SECTIONS
Friday, July 19, 2019
PAMPANGA

Sapnu: Surveillance sa mga kawatan, 'Basag Kotse' gang

SA sunod sunod na mga insidente ng Basag Kotse sa Central Luzon, isasagawa ang surveillance laban mga suspek.

Sang-ayon kay Senior Superintendent Ronald Llanera, Deputy Regional Director for Operations (DRDO), ipinag-utos nito sa lahat ng mga police director ng mga lalawigan sa Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Zambales, Bulacan at Aurora at lungsod ng Angeles at Olongapo ang matinding gagawing “surveillance” laban sa nasabing grupo.

Ipinag-utos din ni Llanera ang deployment sa mga Katolikong Simbahan dahil sa Simbang Gabi na kung saan inaasahan aatake ang Basag Kotse gang.

Ito ang malaking “timing” ng grupo dahil lahat ng kanilang target na behikulo ay matagal bago balikan ng mga may-ari.

Pagkakataon ng grupo na isigawa ang kanilang illegal activity dahil nakatuon ang mga may-ari ng sasakyan sa pagsisimba.

Kaya naman kaagad ipinadala sa mga Provincial at City Police director ang kautusan ni Llanera na isalalim sa surveillance ang Basag Kotse gang.

Ang utos ni Llanera ay bantayan ang mga Simbahan sa area of jurisdiction ng mga Provincial at City Police director.

Sa mga may-ari naman ng mga behikulo, pinapayuhan ni Llanera ang mga ito na huwag mag-iwan ng mahahalagang bagay sa kanilang sasakyan.

Matatandaan ang operasyon ng Basag Kotse gang ay lumawak na. Dati malimit ang kanilang operasyon sa Pampanga at Angeles City nguni’t umabot na ngayon sa Aurora, Tarlac, Nueva Ecija at nitong nakaraang ilang araw tatlong behikulo ang nabiktima.

Sang-ayon nga kay Senior Superintendent Llanera, mukhang tumitindi na ang nasabing grupo at mukhang may humahawak na sindikato sa kanila.

Ito ngayon ang pina-iimbestigahan ni Llanera kung sino ang nasa likod ng grupo.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph