Sapnu: P10,000 ang pinamigay na Pamasko ng isang bossing

NOONG nakaraang maagang nagsagawa ng kanilang Christmas party sa isang tanggapan sa PRO-Central Luzon headquarters.

Sila ang naunang nag-Christmas party, ayon sa intelligence officer (IO) ng Dateline.

At ayon sa IO, naging masaya at magiging maganda ang Pasko ng mga personnel ng nasabing tanggapan.

Maraming handang pagkain ang bossing at naging masaya ang mga personnel.

At sa unang pagkataon ang tanggapan na ito ang unang nag Christmas party, ayon sa IO.

Nagkaroon pa yata ng mga parapol kaya naman naging masaya ang isinagawang Christmas Party ng nasabing Bossing.

At take note, ang ibinigay na Pamasko ni Bossing sa kanyang mga personnel ay cash na P10,000, ayon sa IO.

Kumalat sa PRO-Central Luzon headquarters ang pamaskong P10,000 na pinamigay ni bossing sa kanyang mga personnel, ayon pa sa IO.

Kaya naman maraming non-commissioned police officers at iba pang police officers ang nainggit tuloy sa laking ibinigay na pamasko ni bossing.

Dahil dito, inaasahan ng nasabing mga police officers nakatalaga sa iba’t ibang tanggapan na sana mabigyan din sila ng P10,000 pamasko ng kanilang boss.

Ang sabi ko naman sa mga police officers, ibahin ninyo ang tanggapan na iyon dahil malaki ang pondo nito at kayang kayang mamigay na Pamaskong P10,000 sa kanyang mga personnel.

Kayo mga ibang bossing ng bawat tanggapan ano masasabi ninyo sa P10,000 na Pamasko? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph