Sapnu: Inaasahan pagbalasa sa susunod na buwan

ANG malawakang pagbalasa ay inaasahan na nitong pagpasok ng taon.

Ito ang napag-alaman ng Dateline sa mga police officers na nakausap nitong kamakailan.

Ayon sa kanila, maaaring malawakang pagbalasa ang gagawin ni Chief Superintendent Joel “Jigs” Coronel, Police Regional Office-3 (PRO3) acting director.

Simula nitong Enero maraming mangyayaring pagbabago o pagbalasa sa mga “key positions” sa Central Luzon.

Ang gagawin pagbalasa ni Coronel ay batay sa “performances” ng mga nakaupong Provincial at City police directors sa rehiyon.

Ayon sa source ng Dateline, nang maupo noong Nobiyembre 18 si Coronel kanya na nitong pinag-aralan ang mga “performances” ng bawat Provincial at City directors.

At sa resulta ng kanyang isinagawang pag-aaralan, mayroon ilang mga Provincial police directors ang maaaring maapektuhan sa kanyang gagawin pagbalasa.

Halos naman magaganda naman ang mga Performances ng mga police directors nguni’t siyempre mayroon din basehan si Coronel upang sila’y masibak sa puwesto. Kung ano iyon basehan niya siya lang nakakaalam, ayon sa source.

Matatandaan noong nakaraang buwan, ang mga provincial police offices ng Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan at Aurora ay nagkaroon ng short lists na mga Senior Superintendent.

Ang nasabing short lists ay tatlong Senior Superintendent ang kasama dito at doon maaaring pumili ang gobernador na ibig nitong maging Provincial police director.

Kaya naman inaasahan ang maaaring gagawin pagbalasa ni Coronel sa tatlong nabanggit na Provincial Police Offices.

Ang tanong sino sino kaya ang masisibak sa nabanggit na apat na lalawigan.

***

Noong Sabado (Dec. 22) binuksan na ang PRETZELMAKER sa SM Clark, Angeles City.

Ang produkto ng PRETZELMAKER ay Twist & Dip, Salted Bikes, Mini Prestzel Dogs, Prestzel Dogs at marami pang iba pa.

Ang PRETZELMAKER sa SM Clark ay ang pinaka-unang branch sa labas ng Metro Manila. Dalawa na ang branch sa Metro Manila.

Ang PRETZELMAKER ay pag-aaari ni Director Guillermo Eleazar at ilan ka partner nito.

Try PRETZELMAKER...

Sa mga readers ng Dateline, malugod na bumabati ang Inyong Lingkod ng Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph