Sapnu: 7 katao naputukan ng firecrackers

Apat na araw bago sumapit ang Bagong Taon, pito ang napapaulat na naputukan ng firecrackers.

Batay sa report, ang mga biktima ay nakilalang sina Edgie Carino, 5, ng Barangay Porac, Botolan, Zambeles; Mathew Vismonte, 13, at Famela Balcruz, kapwa San Vicente, San Miguel Bulacan; Jakiley Dela Cruz, 17, John Mark De Belen y Manabat, 11 at Mark Anthony Alcaraz, 12, pawang San Sebastian, Tarlac City; at Robert Arce, 28, ng Porac, Pampanga.

Ang biktima ay naging biktima ng twitis, five star at piccolo.

Kaya naman nanawagan si Chief Superintendent Joel Coronel, Police Regional Office III (PRO-3) sa mga kababayan natin na huwag ng magtangkang bumili ng mga paputok kahit mga pailaw para walang masaktan.

Sang-ayon kay Coronel, pinaiigting ng PNP ang monitoring at pag-inspeksyon sa lahat ng mga firecrackers store sa buong rehiyon lalo na sa lalawigan ng Bulacan.

Hanggang sinusulat ang kolum na ito, wala pa naman naging biktima ng stray bullet sa Central Luzon.

Binalaan naman ni Coronel ang lahat ng PNP personnel na huwag paputukin ang kanilang mga baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ang Dateline, bumabati sa inyo lahat ng Manigong Bagong Taon.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph